38

520 Words
Chapter 38 Ohh my god mommy! Gulat na sinalubong ni Kylie ang ina nito ng makita ito sa sala ng mansiaon. Hija come here!i miss you so much! Malambing na sabi nito habang mahigpit na naka yakap sa anak nito. Mommy kailan kapa dumating?Bakit hindi niyo man lang sinabi na uuwi pala kayo ngayon rito sa Pilipinas edi sana nasundo naman kayo ni kuya Prince. No hija,hindi na surprise kung sasabihin ko sainyo, Nakangiting sabi nito sa anak habang hinahaplos ang mukha nito.. Where's Prince? Nasa office pa po siya mommy,dont worry tatawagan ko siya para dito siya umuwi mamayang gabi. Nakangiting sagot naman nito sa ina habang mahigpit paring nakayakapp dito. **** Nag tungo ang mag-ina sa library ng mansion dahil iyon ang paboritong lugar ng kaniyang asawa nung nabubuhay pa ito. Kinuha nito ang isang album at nakangiting tinitingnan ang larawan ng asawa nito, Wait mommy kayo po ba ni daddy to? Oo hija kame ng daddy mo iyan at ito namang lalaking katabi ng daddy mo ay isa sa pinaka matalik niyang kaibigan. Napansin naman ni Kylie na biglang lumungkot ang mukha ng mommy niya kaya tinanong niya ito. Mom why? Naalala ko lang si Romualdo,napakabait niyang tao lalo na sa daddy mo siya ang dahilan kung bakit nagsumikap ang daddy mo sa buhay siya rin ang naging inspirasyon ng daddy mo. Pero sobrang awang awa kami sakanya noon dahil bigla nalang itong naging depress mula ng ilayo ni Carmela ang kaisa isa nilang anak na si Sabby,Sobrang dinibdib niya ang nangyari at napabayaan nito ang kaniyang negosyo. Halos mabaliw noon si Romualdo kakaisip kung saan niya hahanapin ang anak nito nag kasakit ito hanggang sa dina kinaya at namatay siya. Ilang larawan pa ang tiningnan nila hanggang sa makita nila ang isang larawan ng dalawang batang lalake at babae.. Look hija this is your kuya Prince and Sabby. Naka ngiting sabi nito sa anak habang titig na titig sa larawan na hawak nito... Ohh so magkakilala pala sila ni kuya Prince mommy? Hindi Hija,ito yung unang araw na nag kita sila sa birthday party ng kuya prince mo dahil sinama siya noon ni Romualdo pero iyon nadin ang huli at wala na kaming naging balita pa kay Sabby. Pagkatapos mag kausap ng mag ina ay nag tungo ang dalawa sa kusina upang silipin ang ilan sa mga karneng ipinahanda nito upang lutuin. Sa tuwing umuuwi sa mansion ang ginang ay siya lagi ang nag pprisintang magluto ng pag kain para sa dalawa nitong anak. Nag bilin pa ito sa mga kasambahay na dagdagan ang mga putahe na ihahain sa hapag kapag dumating na si Arcel. Maagang na tapos ang lahat sa kusina kaya't nagkaroon pa ng oras ang mag ina na makapag kwentuhan habang hinihintay nito ang panganay na anak. Anong balita sa kuya Prince mo at sa nobya? Honestly wala po akong idea mommy,hindi naman po kasi mapagkwento si kuya Prince pag dating sa love life niya. Isa pa po ay hindi rin naman kami laging nagkikita kahit nasa iisang building lang kami pumapasok,mas madalas po kasi ay sa labas ang mga meeting niya .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD