Chapter 39
Maagang umuwi ngayon si Arcel at hindi nag overtime pa dahil tinawagan siya ni Kylie para sa dinner nila kasama ang mommy nila.
Bago pa yun ay naisipan nitong dumaan sa opisina ni Sabrina ngunit hindi na ito tumuloy ng nakita niyang busy ito at satingin niya ay baka galit ito sakanya dahil sa nangyari sakanila kagabi kaya't umalis nalang ito at hindi na nagpakita pa.
*****
Hello everyone! Tipid pero masayang bati ni Arcel pag pasok nito sa Mansion at mabilis naman siyang sinalubong ng ina nito na sobrang saya ng makita siya..
Mabilis namang kinuha ng driver ni Arcel ang mga gamit nilong dala at inabot sa mayordoma ng mansion.
Pag katapos noon ay dumeretso na ang tatlo papunta sa dining area,nagpahanda ng napakarami pag kain ang ina nito para sakanilang salo-salo at napuno ng masayang kwentuhan ang hapag kainan.
Matapos ng masayang kainan ay kinausap ng ina si Arcel upang pag usapan ang matagal nang hinihiling sakanya ng ina nito.
Hijo kailan niyo ba balak mag pa kasal ni Sydney?
Mahinahong tanong nito sa anak,
Meron ba talaga siyang balak na magpakasal sayo,
Dugtong pang tanong nito sa anak,
Mom,please not now parehas kaming busy sa mga career namin,hindi kupa mapapangako saiyo yang bagay na yan..
Hijo alam ko,alam kung ilang beses ka ng nag propose kay Sydney at ilang beses kana din niyang tinanggihan.
Please Prince wag munang ipagpilitan yung sarili mo sakanya kung hindi pa siya handang i give up ang career niya,ibigay mo yung kalayaang gusto niya at hanapin mo yung kalayaan para sa sarili mo.
Tama si mommy 5 years na kameng dalawa ni Sydney pero mula ng na kamit niya na ang career na inaasam niya nagbago nadin lahat ng samin at halos hindi kuna ramdam na ako parin ang priority nito.
Sa tuwing umuuwi si mommy dito sa Pilipinas ay lagi ako nitong kinukulit about sa kasal,at sa magiging apo niya.
Hindi ko naman magawang pilitin ito lalo na't alam kung malapit na ang pageant na sinasalihan nito,at halos kabikabila rin ang mga guesting at mga project na tinatapos nito.
Ayokong ma pressure si Sydney sa mga bagay na alam kung hindi pa niya kayang gawin,alam kung hindi niya kayang i give up ang career niya sa oras na makasal kame.
Bigla akong napahawak sa singsing na naka suot sa aking daliri,bigla kung naalala yung sandali ng pagtatalo naming dalawa ni Sydney.
Aaminin kung sobrang nasaktan ako sa mga hiniling niya sa akin,at ito ang nagtulak sa akin na magpakasal kay Sabrina.
Madaling araw na pero hindi pa rin sya dinadalaw ng antok,bigla namang sumagi sa isip niya si Sabrina,
Yung titig nito,yung ngiti at higit sa lahat ang napaka among mukha nito.