Chapter 29

2192 Words

NAKAUPO siya sa loob ng bahay kubo nasa kandungan niya si Kianna. Malapit sa dagat ang kubo ito kaya't kitang-kita niya ang malapad na karagatan at mga taong lumalangoy roon. Bumaling siya sa anak na nakatingin rin sa tinitignan niya. "Ang sama ng Daddy mo, Kianna. Inaaway ako hmm," parang batang sumbong niya sa anak. Tumawa naman ang kaniyang anak dahilan para mapasimangot siya. Para siyang baliw, pati anak niya'y dinadamay niya sa abnormalan niya. "Ay, tinawanan mo lang ako, hindi mo din ako love," ma-dramang sabi niya. Biglang umangat ang maliit na kamay nito at hinaplos ang pisngi niya na tila ba nilalambing siya nito, may kung ano humaplos sa puso niya sa ginawa ng anak. "Aww, you're so sweet darling, I love you so much," madamdaming pahayag niya at hinalikan sa pisngi ang anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD