Paalala Ang kabanatang ito ay hindi angkop sa mga batang mambabasa kaya't kung maari ay inyong itong laktawan para huwag kayo maka minus points sa langit, salamat. - Ang inyong inosenteng manunulat, Binibining Mary. Chapter 30 PAGLABAS niya sa banyo ay nagulat siya dahil may humila sa kanya. Sisigaw na sana siya pero 'di niya magawa sapagkat tinakpan ng isang malambot na labi ang kaniyang labi. Hinalikan siya nito punong-puno ng pananabik habang siya naman ay natulos sa kinatatayuan niya sa sobrang gulat. Huli na magtanto niya dapat niyang itulak ito, nang mahimasmasan siya ay tinulak niya ang lalaki pero mas hinapit siya nito sa bewang at ang isang kamay nito ay sa likod ng batok niya kaya 'di siya makawala. Tinikom niya ang bibig ngunit bumuka iyun ng hilahin ni King ang tagpis niya n

