Adeline Sarmiento. Kasalukuyan siyang nanonood ng movie sa kanilang kuwarto ng may kumatok sa kanilang pinto at bumungad doon si Rosie. “Beshy!!!” Tawag nito sa kanya. At maingat siya nitong niyakap at halata naman na namiss nila ang isat isa. “Musta na ang buntis kong beshy?” Tanung sa kanya ni Rosie. “Ito naiinip, gusto ko nga sana ulit bumalik sa company yun nga lang hindi muna puwede.” Sagot niya dito. “Malamang at hindi ka papayagan ni Papa Adrian noh.” Sagot nito sa kanya. “Pero teka bakit andito ka na? Ang aga pa ah!” Nagtatakang tanung niya sa kaibigan. “Naku beshy hindi ko din alam, basta nagpaannounce ang mga big boss na lahat ng empleyado ay pinauuwi ng maaga, eh namiss kita beshy, kaya pumunta muna ako dito at namiss ko ng makipagkuwentuhan sa iyo.” Sabi nito sa kanya.

