Adrian Santiago Natapos na ang isang linggong palugit na binigay ni Mr. Smith sa kanila. Tulad ng kanyang desisyon ay hindi siya pumayag sa kagustuhan nito. Kaya tulad ng inaasahan ay hindi na ito nagrenew ng contract sa kanila at nagpull out din ng kanyang investment sa company. Aaminin niya na malaking kawalan ang hindi pagrenew ni Mr. Smith sa company nila. Dahil sa impluwensya at sa pangalan nito kaya din maraming nagtiwala sa kanilang kumpanya. Kahit kaya ng isustain ng A&A company ang sarili nito ay nangangailangan pa din ng investor para pumalit sa slot ni Mr. Smith. Kaya naman nagdagdag ng investment ang kanilang mga Ama para hindi gaanong iindahin ng company ang pagkawala ni Mr. Smith. Pero tulad ng inaasahan ay lahat ng kaibigan at malapit kay Mr. Smith nag pull out na din n

