Adeline Sarmiento Kahit nakaalis na si Lovely ay ramdam ko pa din ang marahas na paghinga niya. Sa nakikita niya hindi pa din humuhupa ang galit ni Adrian dulot ng biglang pagpunta ni Lovely. Nagaalala ako kasi baka mabinat siya lalo sa nakita kong pinakita niyang galit kay Lovely kanina. Sa totoo niyan iyon ang pangalawang pagkakataon na nakita ko si Adrian ng nagalit ng ganun. Nung una ay doon sa opisina niya na pinapatahimik niya din si Lovely. Nasanay kasi siya sa Adrian na malambing, prim ang proper at ngingitian ka lang kapag inaasar siya. Lalo kapag nakikita ko kung paano siya asarin ni Kuya Alex. Kaya naman kahit ako nagkaroon ng takot nung nakita ko siyang nagalit. Totoo pala ang kasabihan na ibang magalit ang taong mabait. “Are you alright hon?” Malambing na tanung sa kanya

