Adeline Sarmiento Napuno ng tawanan at kantiyawan ang bahay nila nung araw na iyon. Lalo sa pangunguna ni Kuya Alex. Talagang siya ng clown ng pamilya kaya naman si Ate Yasmin ang nahihiya sa pinaggagawa ni Kuya Alex. Nakaupo lamang ako habang nakikipagkuwentuhan at nakikipagtawana sa lahat dahil masyadong protective si Daddy Adrian. Nung nagtry akong pumunta sa dessert table habang busy siya at kausap sina Dad dahil natakam ako sa cupcake ay nagulat na lang ako ng may biglang kumuha ng hawak kong plato sa kamay ko. “Hon what I told you while ago, you must not tired your self at hindi puwede saiyo ang maglakad masyado at tumayo ng matagal.” Sabi nito sa akin na kinalukot ng mukha ko. Kaya naman walang sabi sabi ay bigla niya akong binuhat pabalik sa upuan ko at sinabing siya na ang kuk

