Adeline Sarmiento Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata ng naramdaman niyang may humalik sa kanyang labi. Medyo nasilaw siya sa ilaw na kanyang nakikita kaya pinakurap kurap niya ang kanyang mga mata hanggang sa masanay ang kanyang mata sa liwanag. Bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng asawa na nakaupo sa kanyang gilid, kahit my ngiti sa kanyang mga labi ay nakikitaan pa rin ng pagalala sa mukha nito. Pasimple niyang tiningnan ang paligid at naramdaman niya ang mabigat na bagay na nakabit sa kanyang kaliwang kamay kaya medyo hindi siyang naging komportableng gumalaw. “At last your awake, Effective talaga ang kiss ko at nagising ang reyna ko, how are you feeling hmm? may masakit ba sa iyo?” sunod sunod na tanung nito sa kanya. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. medyo na

