Adrian Santiago Mabigat ang kanyang loob na iwanan ang kanyang asawa na masama ang pakiramdam. Kung puwede nga lang sana ito ipareschedule ay ginawa na niya pero tulad ng sinabi niya kay Adeline ay narescheduled na ito nung una ng kanilang prospect Japanese investor nila at ngayon nga ito ulit free at nasa Pilipinas. Kahit si Alex na nakaleave ay pupunta din sa meeting bilang may ari ng A&A Company, magandang impression kung pareho silang aatend at makikipag kita. Pagdating sa company ay dumiretso muna siya sa kanyang opisina para kunin ang mga hinanda niyang mga documents for presentation at inutusan niya ang kanyang secretary na tawagin si Rosie para personal na makausap. Hindi naman nagtagal ay dumating si sa kanyang opisina at magalang siyang binati. “Hello po sir good morning pina

