SA TUWING NA DINADALAW ni Hunter si Alani at Ezekiel sa bahay ng kanyang ama ay hindi niya mapigilang hindi mainggit. Masayang-masaya si Ezekiel sa buhay nito kay Alani at sa triplets na anak ng mga ito. Maging mga siya ay tuwang-tuwa kapag doon siya natutulog. Pakiramdam niya ay anak na rin niya ang triplets. Mabuti na nga lang at may trabaho siya. Isa na siya ngayong Mayor ng Sorsogon. Si Mayor Hunter Villareal. Sa kagustuhan na rin mismo ng kanyang ama na palitan ang kanyang apelyedo kung kaya isa na talaga siyang Villareal ngayon. Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang masamang tao ay isa na ngayong Mayor na madaling lapitan ng mga nangangailangan? Akala niya noon ay masama siyang tao. Ayaw niyang maghirap pero hindi, dahil iba pala talaga ang kanyang gusto, iyon ay ang maglingkod

