WALA NANG MAHIHILING pa si Ezekiel dahil simula sa araw na ito ay pag-aari niya na si Alani. Katatapos lang ng kanilang kasal ngayon at solong-solo niya na ang babaeng kanya lang pinapangarap noon. Pagpasok nito nang silid ay kaagad niyang hinubad ang wedding down ni Alani. Hinayaan niyang bumagsak 'yon sa sahig. Sa daming mga nangyari sa kanila nitong mga nagdaang linggo ay hindi na nila nagagawa pang mapagsolo. Isa pa ay matagal din siyang nagpapagaling at naging abala sa election. Hinintay niya rin ang araw ng kanilang kasal upang mas maging kapana-panabik ang tagpo ngayong gabi. Mabilis niyang siniil ng halik si Alani, mapusok at maalab. Hindi naman ito tumanggi sa kanyang ginagawa bagkus ay kaagad nitong inalis ang suot niyang tuxedo. Pinatalikod niya si Alani at nalantad sa kany

