HINDI MAPIGILAN NI ALANI na pagmasdan ang kanyang sarili sa salamin. Nakalimutan niya na ngayon pala ang dadaluhan nilang party ni Ezekiel. Ito ang unang beses na makakasama niya si Ezekiel. Tiyak niyang bago matapos ang gabi ay marami nang makakaalam na may relasyon sila ng lalaki. Walang mapagsidlan ang saya na kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay hindi na nila kailangan pang magtago. Handa na si Ezekiel na ipakilala siya sa tao. Hindi niya mapigilang hindi mamangha kay sa ganda ng damit. Hindi pa ganoon kalaki ang kanyang tiyan kaya hindi pa iyon halata. Smart casual attire ang kanyang napiling isuot na kulay puti. Hapit iyon sa kanyang katawan. Ang kanyang kaseksihan ay lumutang sa kanyang suot, dagdagan pa ng make up artist na kinuha ni Tita Sarah para ayusan siya. She looks

