KULANG NA LANG ay ihagis ni Melchor ang lahat na kanyang mahawakan. Galit na galit siya sa mga nangyayari. “Mga inutil!” sigaw niya sa kanyang mga matauhan kahit na wala naman kasalanan ang mga ito. Hindi nga akalain na mabubuhay pa si Ezekiel pagkatapos niyang ipapatay ito. Ang masakit pa ay siya ang pinagdududahan na nagtangka sa buhay nito “At talagang binalak ninyong ipapatay si Ezekiel?” tanong sa kanya ni Cristina bagong dating. “Anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang na matalo tayo ng mga Villareal?” tanong n’ya kay Cristina. “Kahit na. Gusto ko si Ezekiel Pa!” sigaw sa kanya ni Cristina kaya sinampal niya ito. “Hu’wag mo akong tuturuan kung ano ang gagawin ko Cristina. Wala ka pa sa mundong ito ay magkaaway na ang Perez at Villareal!” sigaw niya sa kanyang anak na galit n

