KINAKABAHAN na nakipagkita si Alani kay Hunter. Kung hindi siya pinayagan ni Ezekiel ay hindi naman siya makikipagkita sa lalaki. “Sigurado ka ba na hindi ka’na papasok sa loob?” tanong niya kay Ezekeil. Dalawang sasakyan ang nakasunod sa kanila ni Ezekiel para sa kanilang kaligtasan. “Dito lang ako sasakyan. Tawagan mo na lang ako kapag tapos na kayong mag-usap at may sasabihin lang ako sa kanya.” “Ikaw ang bahala,” sagot niyang akmang bababa ng sasakyan pero pinigilan siya ni Ezekiel. Akala niya kung ano ang gagawin nito pero kinantilan lang pala siya ng halik sa labi. “Don’t forget na mahal na mahal kita,” wika pa sa kanya ng lalaki. Ngumiti siya rito at bumaba ng sasakyan. Sa isang restaurant sila nagkita ni Hunter. Pagpasok niya sa loob ng naturang restaurant ay naghihintay

