ILANG SANDALI lang ang hinintay ni Ezekiel ay dumating naman si Samuel. May kasama itong lalaki. "Sa tingin mo ba ay si Becca talaga ang nagtext kay Alani?" tanong ni Samuel sa kanya. "Hindi naman siguro gagawa nang ganoong drama si Becca hindi ba?" tanong niya kay Samuel kaya tumango ito. "Kumusta si Alani?" "Nag-aalala sa kaibigan niya," sagot niyang napasulyap kay Alani. Mabuti na lang talaga at inuwi niya si Alani sa kanila dahil kung nagkataon ay wala itong ibang makakausap. "Mayor," tawag sa kanya ng lalaki na kasama ni Samuel. Inaalam nito kung nasaan ang location ng cellphone ni Becca. "Anong balita?" "Sorry Mayor pero mukhang walang GPS ang cellphone ng babaeng pinapahanap ninyo. Hindi ko ma-detect ang location n'ya." Hindi n'ya mapigilang hindi mag-alala kay Becca. Lalo

