CHAPTER FIFTY-FOUR

1245 Words

PILIT NA INAALIS ni Hunter ang nakatali sa kanyang mga kamay pero wala siyang magawa sa higpit ng pagkakatali no'n ng mga tauhan ni Melchor. Isinusumpa n'ya na oras na makalaya siya ay uubusin niya ang lahi ni Melchor Perez. Ito naman ang itatali niya at unti-unting papatayin. Gutom na gutom na siya at hindi man lang siya nito pinakain kagabi. Nanghihina na siya. "Pakawalan 'yan!" sigaw ni Mechor sa mga tauhan nito. Nabuhayan siya ng loob. Akala niya ay mamamatay na s'ya. Mabilis naman na tumalima ang mga tao nito at kinalagan siya. Saka lamang siya nakahinga nang maluwag nang maalis ang tali sa kanyang mga kamay. Ramdam n'ya ang kirot ng kanyang sugat. "Simula sa araw na ito ay ako na ang masusunod sa buhay mo. Dadalhin mo sa akin si Ezekiel para sa kalayaan mo. Naiintindihan mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD