KANINA PA NAKAABANG si Ezekiel sa paglabas ni Cristina sa munisipyo. Hindi nito alam na lihim niya itong inaabangan. Sa labas ay may naghihintay na sa babae upang kunin ito. Pinangungunahan iyon ni Samuel. Nang makita niyang mapalabas na si Cristina ay kaagad niyang tinawagan si Samuel. “Ihanda mo na ang mga tao at palabas na si Cristina. Mag-ingat ka na ‘wag kang makita ni Cristina. Mabuti nang hindi niya alam kung sino ang nagpadukot sa kanya,” wika niya kay Samuel. “Sige ako na ang bahala rito. Magkita na lang tayo sa hideout,” sagot sa kanya ni Samuel kaya tumango siya. Mabilis siyang nagligpit ng kanyang mga kalat. Wala na itong urungan pa total ay ang ama naman ni Cristina ang nagsimula ng lahat. Ito na ang tunay na laban. Tinatawagan niya si Alani. "How are you?" tanong niya s

