CHAPTER FIFTY-SIX HINDI MAPIGILANG hindi mapangiti ni Ezekiel habang pinapanood ang tao ni Samuel sa monitor. Tinalo niya pa ang nanunuod sa television. Masyadong madrama ang kanyang nasasaksihan. Hindi niya naman hinayaan na masaktan si Cristina. Tinatakot lamang ito para mataranta si Melchor Perez sa kabilang linya at nagtagumpay naman sila. Success ang kanilang plano. Ganun pa man ay hindi niya maiwasang hindi maawa kay Hunter. Alam niyang masakit dito na matuklasan na pinatay ang ina nito lalo pa at buong akala nito ay nagpakamatay ang ina nito dahil sa kanilang ama. Hindi siya makakapayag na hindi pagbayaran ni Melchor ang pag-amin nito sa pagpatay kay Melissa Francisco. Natitiyak niyang katapusan na iyon ng lalaki. Gagamitin niya ang pag-amin ni Melchor upang magbayad ito sa mga

