MABILIS na naibalik ang kanyang kumpanya kung kaya kaagad din niyang sinimulan ang gusto ni Mr. Chan na gumawa ng mga wines para sa kumpanya nitong itinayo. Halos mawalan siya ng oras dahil nagtuturo pa siya sa mga tao nito kung paano gumawa ng mga wines. Masyadong minamadali siya ni Mr. Chan. Ginigipit din siya dahil gustong mabawi ang ginastos nito sa kanyang kumpanya na sinunog nito. Isa sa mga nakalagay sa kasunduan nila ay wala na itong pakialam sa gagawin niya sa Villareale Wines Industry oras na maipatayo ulit. Ang dapat niya lang gawin ay sundin ang gusto nitong gumawa ng wines para sa kumpanya nito. Kailanman ay maaasahan talaga si Hunter dahil nagawa nitong kausapin si Arnel Gatchalian at ngayon ay gusto nitong maging investor sa Villareale Wines Industry. Sinadya niya itong pu

