SA DINAMI-DAMI ng restaurant sa buong Maynila ay nasa iisang restaurant pa sila nagkita-kita. Kaagad niyang nakita ang kanyang asawa kasama si Katherine. Kumakain na ang mga ito samantalang sila ay kakapasok lang sa naturang Italian restaurant. Napatingin siya kay Mr. Chan. Napatingin din ito kay Ezekiel at Katherine. “Gusto mo bang sa ibang restaurant nalang tayo kumain para hindi masira ang gabi mo?” tanong nito sa kanya. Ngumiti siya sa lalaki. “It’s okay, Ramon. Wala naman tayong ginagawang masama,” sagot niya. Tumango ito sa kanya at iginiya siya sa table na naka-reserve sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung set-up ba ito sa kanilang mag-asawa dahil magkalapit ang kanilang mga mesa. Napatingin siya sa kanyang asawa at nakatingin din pala sa kanya. Napansin niya kaagad ang kwent

