HINDI MAPIGILANG hindi mapangiti ni Alani habang lulan sila ng sasakyan ni Ramon Chan. Himas pa rin nito ang mukhang nasaktan dahil sa suntok ni Ezekiel. Napapangiwi ito sa sakit. “Sigurado ka na ba sa sinabi mo kanina kay Ezekiel na babwiin mo ang kontrata na gusto mo?” hindi niya mapigilang tanong sa lalaki. “Kung ‘yon ang paraan para hindi na kami magkita, Alani. Isa pa ayokong ginugulo ka niya,” sagot pa nito sa kanya. “Naisip ko rin ang mga anak mo. Ayokong pahirapan sila. Ayokong paglaki nila ay sumbatan nila ako na pinahirapan ko ang aman nila. Ikaw lang naman ang kailangan ko at lahat ay gagawin ko para sayo. Ayokong nasasaktan ka kapag nakikita mo ang asawa mo na may kasamang babae.” Hindi niya magawang sumagot sa sinabi ni Mr. Chan. Isa lang ang alam niya ngayon. Malaya na ang

