NAKANGITING pinuntahan ni Katherine ang kanyang Ninong Melchor sa bahay na binili ng kanyang ama para maging hideout pa nito. Nagulat pa ito ng makita siya. "Ninong!" bati niya rito na kaagad na yumakap. "Anong ginagawa mo rito? Alam ba ng ama mo na pupunta ka rito? Masyadong delikado," nag-aalala nitong wika sa kanya. "Ginagawa naman akong bata ni Papa. Hayaan mo siya ninong. I'm just bored," sagot niyang tuloy-tuloy na pumasok sa bahay nito kaya wala na itong nagawa. "Magagalit 'yon kapag nalaman na nandito ka. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Nagtatago ako sa batas." "I'm telling you, Ninong---maingat ako. Isa pa may gusto lang akong linawin sa paglaya mo," sagot niya rito. "Mukhang importante yata 'yang sasabihin mo at dinayo mo pa ako rito?" Umupo siya sa sofa na naroon. "Ang d

