NAMUTLA si Ezekiel sa kanyang nakita sa kanyang opisina. Hindi siya makagalaw dahil sa dugong nagkalat. Kaagad siyang tumawag ng pulis. Pati ang security guard niya ay wala na ring buhay. Nakapwesto ito sa labas ng pinto ng office niya samantalang si Greg ay nasa loob ng office niya. Hindi niya magawang daluhan ang kaibigan baka mapagbintangan siya lalo na at walang ibang taong naroon. Ang ginawa niya ay tiningnan niya ang buong paligid ng kumpanya baka sakali na nandoon pa ang suspect na bumaril sa kanyang mga tauhan. Ilang sandali pa ay sabay na dumating ang ambulance at mga mga pulis kung kaya naitakbo ang kanyang kanyang mga tauhan sa pinakamalapit na ospital. Naiwan siya upang sagutin ang ilang mga katanungan ng mga pulis. Pagkatapos ay sumunod din siya sa ospital. Humahangos siyang

