HINDI ALAM ni Ramon kung paano niya haharapin ang organisasyon. Pakiramdam niya ay sumalang siya sa isang interview sa sunod-sunod na tanong ng mga ito tungkol sa pagkamatay ni Melchor. "Imposibleng hindi mo alam ang pagkamatay ni Melchor dahil unang-una ay hawak mo siya. Ikaw nga ang naatasang magtago sa kanya hindi ba?" tanong sa kanya ng isa sa mga miyembro ng organisasyon. "Alam mo ba kung ano ang nawala sa atin dahil sa pagkamatay ni Melchor? Billions!" sigaw sa kanya ng pinakalider nila. "Siya lamang ang may contact sa Human organ trading at Illegal Weapon Trafficking. Ngayon ano ang gagawin natin? Sinabi ko naman sayo hindi ba na ingatan mo si Melchor dahil kailangan natin siya!" bulyaw pa sa kanya. Napapikit na lamang siya sa mga sigaw na kabilat-kanan na pag-uusisa. Hindi niya n

