LAHAT NG KANYANG MADAMPOT ay ibinabato niya. Galit na galit siya. Pakiramdam niya ay niloko siya ni Alani nang mag-resign ito. Isa pa ay nakarating sa kanya ang balita na nagkabalikan na ito at ng asawa. Nilinlang siya ng mag-asawa. Pinaasa lamang. Ang masakit ay pati ang kanyang anak ay kasama rin sa mga laro ng mga ito. "No! No, Ezekiel!" palahaw ni Katherine kaya patakbo niya itong pinuntahan sa silid nito. May kausap ito sa kabilang linya. "Bakit?" tanong niyang nag-aalala sa anak. Nasa kama ito kung kaya ay nilapitan niya anak. "I called Ezekiel at si Alani ang sumagot ng tawag, Pa. Nagkabalikan na raw sila. Hindi ito pwede. Lahat ginawa ko para sa kanya," humahagulhol nitong wika sa kanya. Niyakap niya ang anak pero nagwawala ito at pilit siyang itinutulak. "Sabi mo ikaw ang bah

