PAGBALIK ni Ezekiel sa Manila ay kasama siya nito at ng triplets. Nangako kasi ito sa kanilang mga anak na ipapasyal nito sa Maynila. May bahay ang asawa sa Manila kung kaya wala silang problema sa kanilang tutuluyan. Kasama rin nila ang dalawang yaya ng triplets. Inakbayan siya ng asawa. "Masaya ako na kasama ko kayo ngayon ng mga bata. Alam ko na pag-uwi ko ay kayo ang madadatnan ko," wika pa ni Ezekiel sa kanya. "Ayoko rin naman na mamiss kang masyado," irap niya sa asawa na ngumiti. "Kahit naman araw-araw kitang kasama ay namimiss kita," wika pa sa kanya ni Ezekiel. Kahit na may mga anak na sila ay kinikilig pa rin siya sa mga banat nito. Wala pa ring kakupas-kupas kung magbakilig ang kanyang asawa. "Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa trabaho at may meeting ka pa. Itigil ko na yan

