MAGHAPON na nakipaglaro ang asawang si Ezekiel sa kanilang mga anak. Nabanggit niya rito ang tungkol sa pangungulila ng kanilang mga anak sa presensiya nito kaya naman buong araw na bumawi ito sa kanilang triplets. Ipinagtimpla niya ito ng kape at dinala sa guest room kung saan ito nagtratrabaho. Hindi ito nilubayan ng triplets hanggang sa hindi mapagod. “Coffee?” tanong niya sa asawa. Inilagay niya sa mesa ng asawa ang tasa ng kape. “Thank you.” Hindi niya mapigilang hindi mapangiti nang makitang naka-eyeglasses ito. Nagmukha itong genius pero gwapo pa rin naman. Nilapitan niya ang asawa at inalis ang salamin nito. “Hindi pa ba napapagod? Problem?” tanong niya. Sinenyasan siya ni Ezekiel na umupo siya sa mesa nito. Bahagya nitong inurong ang laptop. “Hindi ko nakuhang supplier si

