PINUNTAHAN ni Ezekiel si Mr. Chan sa loob ng interrorgation room. Ikinanta na rin ito ng mga kasama kung kaya patong-patong ang kinakaharap nitong kaso. “Si Katherine? Kumusta ang anak ko?” kaagad nitong tanong sa kanya. “Nasa kabilang kwarto siya.” “Hindi siya dapat nandito. Hindi niya alam ang ginagawa niya, Villareal. Kailangan ay nasa ospital siya. Maawa ka naman sa kanya,” pagmamakaawa sa kanya ng lalaki. “Anong magagawa ng awa ko Mr. Chan kung ang taong pinatay niya ay gustong-gusto siyang ipakulong? Tama ka may sakit siya. Kailangan siyang dalhin sa mental ospital at kapag magaling na siya ay saka siya dadalhin sa bilibid. Iyon ang tamang proseso,” sagot niya. Napansin niya ang pagtulo ng luha nito. “Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat. Ano na lamang ang magiging buh

