MAKAILANG BESES akong huminga ng malalim. Hindi ko na mabilang kung ilan. Nasa tapat na ako ng bahay namin, pero hindi pa ako bumababa ng taxi'ng sinakyan ko. "Miss, hindi pa po ba kayo bababa?"pangatlo o pang-apat na yatang tanong ng driver sakin. Muli na naman akong huminga ng malalim. "Sandali manong, tatawag lang ako sa gate"paalam ko. Nahiya na din ako kasi may isang oras na ata akong nasa labas ng gate namin. Tapos wala pala akong pambayad. Nakakahiya iyon sa taxi driver. "Ma'am Eunice"tawag sakin ng guard namin. Nginitian ko siya at sinabing bayaran ang taxi driver at kunin ang mga gamit ko. Nagderetso ako sa kwarto ko para mag shower at magpalit ng damit. Wala ang mga magulang ko ng dumating ako. Matapos akong maligo at magbihis agad din akong umalis. Balak ko ng makipagki

