INABOT na ako ng uwian ng mga tao nila King pero nandito pa din ako sa loob ng sasakyan ko. Bumaba lang ako ng makita ko ang secretary ni King na papauwi na. Alam kong nasa loob pa si King ng mga oras na ito. Palagi namang nagpapagabi iyong isang iyon. Makailang buntong hininga at inhale exhale ang ginawa ko bago ako nagdrive palapit sa entrance ng building. Dahil sa tagal na din namin ni King na magkarelasyon kilala na ako sa building na ito kaya hindi na ako nahirapan pang makapasok. Ginamit ko pa nga ang private elevator na si King at ang mga Perez lang ang pwedeng gumamit. "You can go now Michael, mamaya pa ako uuwi"ani King ng hindi nag-aangat ng pansin sakin. Busy siya sa bundok-bundok na papel sa harapan niya. Mukhang natambakan siya ng trabaho ngayon, hindi ko nakikita na gani

