KING OFFER me for a ride going home. Pero tinanggihan ko. Wala pa kasi akong balak na umuwi sa amin ngayong gabi thou umuwi naman na ako doon kanina. Balak ko kasing puntahan si Duke ngayong gabi. Miss na miss ko na kasi siya. Kami naman ang mag-uusap na dalawa. Nalaman ko kay King na sobrang busy ni Duke sa paghahanap sakin. Na kung hindi pa nga daw ako nagdecide na umuwi ngayon malamang nagpang-abot kami ni Duke sa pinagtataguan ko. Nalaman pala nila kung nasaan ako nagtatago. At pinuntahan ako doon ni Duke ngayong araw. Dahil sa pag-aakala kong alam naman na ni Duke na nakauwi na ako dumeretso ako sa bahay kung saan kami nagtatago ni Duke kapag may nangyayari samin. Na sabi nga ni Duke Haven namin ang lugar na iyon. Na bahay namin iyong dalawa. Pagdating ko sa bahay wala pa ding

