Chapter Thirty Two Mataas ang sikat nang araw sa tanghaling tapat ng napagdesiyunan naming dalawa na mag-ikot ikot sa kabouan ng beach. Nauuna ako sa kaniya maglakad, pero halos lahat ng makakasalubong ko ay nasa taong nasa likuran ko ang atensiyon. Minsan nga mas binibilisan ko na lang ang lakad para kunwari ay hindi ko siya kilala or kasama. Naaalibadbaran ako sa mga mata at mga leeg ng mga kababaihan na halos sumusunod sa kaniya. "Laurel." tawag niya sa atensiyon ko, pero pinagwili ko lang ang aking sarili sa pagtingin tingin ng mga keychain sa isang estante sa gilid ng isang café. "Aren't you tired from walking already?" Bumuntong hininga ako at humarap sa kaniya. Pinag ekis ko ang aking mga braso at walang emosiyon siyang tinignan. "Kung pagod ka na, pwede mo na akong iwan. Bumali

