Chapter Thirty One "Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Zeus umaga ng aking day off. "Cooking, obviously?" taas kilay niyang ani na tila ba ang tanong ko ang pinaka nakakabobong tanong na narinig niya sa tanang buhay niya. Inirapan ko siya dahil hindi naman iyon ang issue, ang ibig ko kasing sabihin ay nagluluto nga siya, pero walang suot. In short, apron lang ang tanging balot ng kaniyang katawan. "Masyado ka bang naiinitan ha? Zeus Ivan?" sarkastiko kong ani at tanging pagtaas ng gilid ng labi at mababaw na tawa lang ang naging tugon niya sa akin. "Yeah." he licked his lower lip at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Because you're too hot early in the morning, sweetie." Napa "urgh" ako at mabilis siya tinabig para makadaan. Pumunta ako sa refrigerator at kumuha ng malamig na malami

