Chapter Thirty Lumipas ang dalawang araw ay nananatili pa rin si Zeus sa apartment kung saan ako namamalagi. Nanatili din akong ilag sa kaniya dahil hindi ko pa alam kung paano siya pakikitunguhan, idagdag mo pa sa pag-alis ni Lucio doon. Alam kong ang apat na sulok ng apartment na iyon ay importante din kay Lucio. It's his home. At alam ko na sa puso niya, may mga ala-ala pa doon na hindi niya malilimutan. Hindi lang sa akin kundi ang masasaya at masasakit na ala-alang si Janus ang kaniyang kasama. "Thank you, come again!" masaya kong kaway sa pinakahuling costumer ko ngayong gabi bago ako mag -out. Binati ko ng magandang gabi ang papalit sa aking graveyard shift at dumiretso na sa lockers para kuhain ang aking jacket. Napabuntong hininga ako ng maalala na next week na pala ang isang t

