ANTHONY DURAN POV:) "Ros, bakit ka pa umalis? Wala tayong naiwan na contact number doon kay Mr. Kailes." Sabi ni Jero. "Ros, bumalik na tayo ng hospital." Nagmamakaawa nang sabi ni Jake. "Sayang ang grasya." Naiiyak nang sabi ni John. Hindi ito pinakinggan ni Ros bagkus nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Kita ko sa kanya ang kakaibang awra. Tila bang gustong-gusto niya makasama ang Lady Beth niya. Sino ba si Lady Beth? Feeling ko kakaiba sya sa puso ni Ros at parang ito ang dahilan bakit nagiging ibang Ros ang kasama namin. "Ros, where are you going?" Tanong ko dito. Mabuti nakapagpalit na ito ng damit. Pag hindi, pagtatawanan ito ngayon dahil nakasuot siya ng pang-pasyenteng damit. "Mall." Tipid na sagot nito. "Bakit? Ano gagawin natin doon?" Takang tanong ko pa rin at sinusundan p

