ELIZABETH VILLATORTE POV:) "Himala! Bago ang sapatos mo ah?" Nakangiting sabi ni Rose habang nasa locker room kami. Kakatapos lang niya maglinis at siguro pa-out na rin sya ngayon. Mag-a-undertime siya ngayon dahil may lakad raw siya. "Oo." Nakangiting sabi ko nang nagbibihis na ako. Di ko maiwasang kiligin kada nakikita ko yung sapatos na bili sakin ni Ros. "Bigay ba yan ng special someone?" Kantiyaw sakin ni Rose. Di ako umimik bagkus nakangiti lang ako at namumula ang aking pisngi. Kinikilig talaga ako. "Luh? Meron nga! Sino ba yang special someone mo na yan ah? Uyy." Sabi nito nang lapitan ako at kinikiliti pa ko nito sa tagiliran. "Wala." Tanggi ko at umiiwas sa kiliti niya pero bakas sa aking mukha na kinikilig ako. "Sino ba yan?" Nakangiting tanong pa rin nito. "Si---" di ko

