ELIZABETH VILLATORTE POV Dala ang isang basket habang kumukuha ng mga talong na pwede nang pitasin. Kasama ko ang mga kasamahan ko rin na may tanim rin ng iba't-ibang gulay. Oo, isa kaming magsasaka. Nakatira kami sa bukid kung saan malayo sa syudad o manila. Kung tawagin ay probinsya. Masarap manirahan dito. Malinis ang hangin, tahimik at lahat ng mga tao dito, kilala ko lahat. Kaysa raw sa manila, ang ingay, ang gulo at puro may problema ang mga tao doon. Mabuti pa ko, masaya dito at kasama ko ang mama ko. Lumaki akong walang amang nakilala. Sabi kasi ni Mama iniwan kami ni Papa dahil may asawa na pala ito. Mayaman dati raw si Mama kaso nawala ang lahat dahil sa madrastang asawa ng Papa ko daw. Ginawa nito ang lahat na pahirapan si Mama hanggang naghirap si Mama at nauwing tumira nal

