JOHNSER SY POV "Kalat na ang bali-balita sa building ang pagbibitiw ni Mr. Sy sa posisyon niya. At kalat din na ang bunsong kapatid mo ang papalit sa posisyon ng ama mo." Sabi ng secretary kong lalaki nang pumasok kami sa office ko. Tumungo kaagad ako sa bintana at nakahawak sa noo habang nakatingin sa labas na problemadong-problemado. Gusto kong magmura at magwala. Galit at inis ang nararamdaman niya ngayon. Akala ko, ako na ang magiging bagong CEO sa UPhone company pero nagkamali pala ako. Ang lintik kong kapatid sa States ang magmamana ng kompanyang pinapangarap kong mapunta sa akin. Galit na humarap ako at inis na inis na inalis ko ang mga gamit na nasa mesa ko. "Bullshit! BULLSHIT!" Sigaw ko sa sobrang galit at nagkalat sa ibaba ang mga gamit ko halos may nabasag nang babasagin n

