JOHNSER SY POV:) Nasa office ako nung oras iyon. Kalat na sa buong media at sa buong mundo ang nangyari sa kapatid ko. Di ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas, mapapasaakin na rin ang pinapangarap kong kompanya. Nakatanaw ako sa labas ng bintana habang may hawak na basong naglalaman ng tequila nang may pumasok nalang sa office ko. Di ko na kailangan lumingon pa dahil kilala ko kung sino ang pumasok. "Sigurado ka bang kasabay sa pagsabog sa kotse ang kapatid ko?" Tanong ko sabay lingon dito. "Opo. Lahat nalinisan ko na po. Wag kayong mag-alala, Sir Johnser. Tinapos ko na ang pinapatrabaho nyo po sa akin." Sagot ng alaga ko, si Dylan Lorenzo, ang butler ni Clive na di nila alam, traydor siya at alaga ko siya. Nakangiting demonyo na pinagtaptaptap ang balikat nito. "Good job!" Sabi ko

