DYLAN LORENZO POV:) "Wala na ang tagapagmana ng Uphone. Paano na nito? Hindi maaaring mapunta iyon sa panganay na anak ni Mr. Sy." Makahulugang sabi ni Papa nang pinuntahan ko siya sa office nito. Secretary ito ni Mr. Sy at malaking utang na loob namin sa pamilya nila dahil di dahil sa kanila, wala na sana ngayon si Mama. Sila ang nagpa-opera at gumastos lahat sa hospital. Nagkaroon kasi ng tumor si Mama sa utak na mabuti naman na-operahan ito agad. Laking pasasalamat nang magulang ko sa kanya kaya noong baby palang ako, napagdesisyon ng mga magulang ko na maging butler ako ng bunsong anak ni Mr. Sy at maninilbihan na kami sa pamilya nito. "Papa, may mali ba kung si Johnser humawak sa kompanya ni Mr. Sy?" Tanong ko dito. Tiningnan ako ni Papa at agad na bumawi ito ng tingin. Napahawak

