MANDY YU POV:) "Kakabili ko lang ng Coffee, Dad." Sabi ko dito sa kabilang linya."Opo, nandito ako ngayon sa Coffee shop. Paalis na nga ako. Papunta na ako dyan." Sabi ko dito."Sige po." Binaba ko na nga yung tawag at inilagay sa bulsa. Pagkalagay sa bulsa, binuksan ko na ang pinto palabas sa coffee shop. Kakalabas ko palang, di pa ko nakakalimang hakbang palayo sa coffee shop nang may naapakan akong balat ng saging kaya nadulas ako. "Ay!" Sambit ko. Slow motion na biglang may sumalo sa aking lalaki at slow motion na tumilapon pataas yung dalawang kape na nasa lagayan na binili ko. Tumigil lahat ng oras nang napatingin ako sa lalaking parang anghel na bumaba sa lupa. Nagliliwanag siya sa kaguwapuhang tinataglay niya. Di ko alam, napaawang ang bibig ko habang nakatingin dito. Nasira n

