Chapter 32: Resto

1039 Words
CHAPTER 32 Resto  Hindi makapaniwala si Nydia na kasama nga siya ngayon sa bonding nilang magkaklase. Parang noong isang linggo lang ay in-imagine niya lang ang ganitong eksena pero ngayon ay kasama na talaga siya sa eksena. Hindi lang siya namamangha dahil kasama na niya at kausap na niya sa wakas ang kanyang mga kaklase kung hindi dahil na rin sa mamahaling restaurant. Halos hindi niya maikalma ang kanyang mga mata mula sa paggalaw dahil sadyang napakaganda nga naman ng restaurant na pinuntahan nila ngayon, halatang pang-mayaman.  “Sorry po,” paghingi ng tawad ni Nydia dahil nabunggo niya ang isang waiter dahil sa sobrang pagka-mangha niya sa buong arkitekto ng restaurant ay nakalimutan na niyang tumingin sa kanyang dinadaanan. Mabuti na lang at walang laman ang tray na hawak ng waiter kung hindi ay baka nakagawa pa siya ng eksena ngayon. Hindi lang nakakahiya sa ibang mga taong kumakain kung hindi nakakahiya na rin sa kanyang mga kaklase dahil baka ikahiya nila ito.  Tiningnan ni Christy si Nydia gayon din ang ibang babae dahil sa kanyang nagawa. Gusto nilang takpan ang kanilang mukha dahil ayaw nilang madamay sa kahihiyan ng dalaga. Halatang ngayon lang siya nakapasok sa mamahaling resto dahil na rin sa pagkislap ng kanyang mga mata. Hindi nila maiwasan na mandiri dahil sa reaksyon ni Nydia, daig niya pa ang bata. Mabuti pa ang mga pinsan nilang bata ay wala man lang pake sa kanilang paligid. Kaya alam na alam nila kung galing lang sa hirap ang isang tao. Amoy na amoy nila kung ano ang totoo.  “Nydia, you should be careful.” Sambit ni Cassandra tiyaka niya nginitian ang ‘bagong kaibigan’. Halos mapairap si Cathlyn dahil sa sinabi ni Cassandra. Hindi niya maatim na sabihin iyon kay Nydia kahit na saksakin pa siya. Habang si Nydia ay hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi lalo na dahil sa concern ni Cassandra sa kanya. Noon, t’wing nasa bahay siya ay hindi niya maiwasan na mag-overthink dahil baka makapagtapos siya na wala man lang kaibigan o kaya naman kahit na kakausap lang sa kanya sa classroom ang ibigay sa kanya dahil ayaw niyang makapagtapos ng masaya. Pero dahil sa nangyari ngayon ay nabura ang lahat ng kanyang pagdududa at napalitan ng saya. Halos mapunit na nga ang kanyang labi dahil kanina pa hindi mawala-wala ang ngiti dito. Sa tanang ng buhay niya ay ngayon lang siya ngumiti nang ganitong katagal. Pagkatapos nilang kumain ay excited na siyang magturo sa kanyang lola dahil sa pagkakataon na ito ay hindi na lang gawa-gawa ang kanyang mga kwento para maniwala ang matanda na may mga kaibigan naman na siya.  Ipapakita niya na rin sa kanyang kapatid ang kanilang mga pictures dahil naghahanap ang kapatid niya na mga larawan nila na masisigurado niyang tama nga ang sinasabi niya. Kaya pasimplehan niyang kinuhanan ang kanyang mga kaklase ng mga pictures habang nagja-jamming sila sa loob ng classroom, ginandahan niya lang ang pagkakuha at pagka-shot na nagmumukha siyang kasali sa kasiyahan na nakapabilog sa mga may grupong magkakaibigan. Alam niya na may trust issues na talaga ang kanyang kapatid.  Mabuti na lang at hindi halata na gawa-gawa lang ang pinapakita niyang picture sa kanyang kapatid. Dahil alam niya na kapag nangyari iyon kahit na nabayaran pa ng kapatid niya ang buong tuition fee ay ililipat siya mismo ng kanyang kapatid. Umupo na sila sa dalawang long table na hindi magkalayo sa isa’t-isa tiyaka nila tiningnan ang menu para makapili na sila kung anong pagkain ang kakainin nila. Kahit na halos magluwa ang mata ni Nydia dahil sa presyo na nakikita ng kanyang mata ay hindi iyon naging dahilan para mawala ang kurba na ngiti sa kanyang labi.  “Where’s Vanz?” dinig niyang pagtatanong ni Clarence, sinulyapan niya ito ng palihim. Nakita niya na binaba ni Clarence ng kaunti ang kanyang menu dahil naghihintay siya sa sagot ng kanyang mga kaibigan.  Napansin niya ang pagbaba rin ng menu ni Ranz na mukhang siya ang sasagot sa tanong ni Clarence. Hindi rin alam ni Nydia kung nasaan nga pala sina Vanz. Akala niya ay kumpleto silang lahat pero hindi pala kaya hindi niya na maiwasan na magtanong na katulad ng tanong ni Clarence kung nasaan sina Vanz.  “You know what’s their relationship look like,” kibit-balikat na sagot ni Ranz kaya napatango si Clarence na tila naintindihan na niya roon. Pero si Nydia ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit at kung sinong ka-relasyon ni Vanz sa kanilang magkaklase.  Madali niyang nilibot ang kanyang mga mata sa mga babae na kasama nila. Napansin niya na wala si Sacha at Sheena, sila lang ang dalawang kulang sa babae. Tiyaka niya lang na-realize kung ano ang nangyari bago siya ipagtanggol at ibilang ni Antonniette bilang kaisa sa kanila. Dinatnan niya palang nag-aaway ang dalawa at mukhang mainit dalaga ang ulo ni Sacha kanina, maging siya na nakakarinig at nakakanood lang ay halos tumayo na ang balahibo niya dahil sa awayan ng dalawa.  “Sacha is not in the mood that is why,” sammbit ni Kyle. “Sumunod na sina Sheena at Vanz. Alam mo naman na hindi mo maiwawala ng dikit kay Sacha ang dalawang iyon.” “That’s normal,” sambit ni Noah. “Them arguing or fighting over small or silly things. It was not them if they didn’t fight within a day.”  dagdag pa nito tiyaka niya pinatunog ang kanyang dila at muli na siyangn tumingin sa kanyang menu.  Tumango-tango si Nydia dahil unti-unti na siyang pinapapasok sa buhay ng mga ito at unti-unti na rin niyang nakikilala ng mabuti ang kanyang mga kaklase o ang kanyang mga bagong kaibigan ngayon. Para bang hindi siya makakatulog mamayang gabi dahil sa sobrang saya niya.  Nagsimula ang topic ng babae dahil nagbukas si Joanne ng isang topic hanggang sa madagdagan at matabunan na ang unang topic dahil halos hindi na tumigila ng kanilang mga bunganga at dila sa kaka-kwento, kaka-komento at kakatawa si Nydia. Ramdam na niya talaga ang pagiging belong sa kanyang mga kaklase.  Nang matapos nang i-serve ang kanilang pagkain ay nagyayang magpicture si Madelyn kaya naman ngiting-ngiti lalo si Nydia ngayon sa camera.  “One…two….three.” shoot that was her first picture together with Class A.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD