Chapter 32: Pretend (Part 2)

1151 Words
CHAPTER 32 (Part 2) Pretend Hindi lang ang tiyan ni Nydia ang busog kung hindi pati na rin ang kanyang puso. Kahit na madalas ay hindi siya nakaka-relate sa topic ng kanyang mga kaibigan ay natatawa pa rin siya sa mga biro at pilit din naman siyang sinasali ni Cassandra. Hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya kay Cassandra kahit na si Antonniette ang nagtanggol sa kanya kanina. Siguro ay dahil napansin niya na si Cassandra ang sumusubok na lumapit at makipag-usap sa kanya sa mga nakalipas na mga araw. Alam niya na hindi pa kumportable ang iba sa kanya pero gagawin niya ang kanyang makakaya para magustuhan siya ng mga ito.  Halos mapuno ng tawanan at kwentuhan ang dalawang malaking lamesa. Masayang-masaya talaga ngayon si Nydia, sa totoo lang ay hindi kayang ipaliwanag ng salitang masaya ang kanyang nararamdaman. Kaya noong nagpaalam na halos lahat at sinundo na sila ng kanilang mga driver ay kumaway na siya sa kanila dahil wala pa ang sundo ni Nydia na pinapadala palagi ng kanyang ate.  Naiwan siya kasama si Cassandra, tiningnan niya ang kaibigan tiyaka niya ito nginitian. Lumapit din siya dito dahil medyo malayo ang agwat nila dahil sabay silang nagpapaalam sa kanilang mga kaibigan kanina. Ginabi na rin sila kaya sa restaurant na rin sila nakapag-dinner.  “Wala pa sundo mo?” pagtatanong ni Nydia kay Cassandra dahil silang dalawa na lang ang naiwan. Ngumiti si Cassandra tiyaka tumango.  “Oo eh, may emergency kasi lagi t’wing Friday parang nakaugalian ko na iyon.” Sambit ni Cassandra. “Kaya lagi akong naiiwan sa kanila dahil hinihintay ko pa si Manong. Marami kasing errands ang auntie ko t’wing Friday kaya kailangan niya pa ng isang driver.” Tuloy-tuloy na paliwanag ni Cassandra kaya napatango si Nydia.  Ngayon niya lang lubusan naintindihan na kapag mayaman ay nauubusan na talaga ng oras sa ibang bagay dahil masyado na silang busy para palaguin pa ang kanilang mga pera. Alam naman niya noon dahil nababasa niya sa mga libro o kaya naman ay sa mga pelikulang kanyang napapanood. Pero iba pala kapag kaharap mo na iyong tao na nakakaranas noon, kapag nakakausap mo na.  “Masaya ka naman na?” hindi mapigilan ni Nydia na itanong iyon kay Cassandra dahil kahit na ang bilis magpaliwanag kanina si Cassandra para bang nakakaramdam ng lungkot sa kanyang boses. At kung titingnan ni Nydia ang mga mata ngayon ng dalaga ay hindi niya maintindihan kung bakit may kakaibang lungkot ang bumabalot doon.  Nagulat naman si Cassandra sa biglaang tanong ni Nydia. Hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na may nagtanong sa kanya kung masaya ba siya o kung ano na ang kalagayan niya. Maging ang kanyang kaibigan na si Zyrene ay hindi niya matandaan kung tinanong na ba siya ng ganon ng kanyang matalik na kaibigan.  “Ha-huh? Bakit mo naman natanong iyan?” hindi mapigilan ni Cassandra ang mautal dahil sa emosyon na nararamdaman niya. Ngumuso ng bahagya si Nydia dahil pansin na niya kung anong meron sa mga mata pa lang ni Cassandra.  “Kita ko naman na,” ngumiti si Nydia para ipakita na ayos lang sa kanya na magpakatotoo ang dalaga. “Na nagpapanggap ka lang.” dagdag pa niya para maunawaan talaga ng kaibigan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.  Sa gulat ni Cassandra dahil sa sinabi ni Nydia ay napa-atras siya ng isang beses para layuan niya ito. Hindi niya maintindihan ang kanyang kaba at doble-doble ang kaba nito. Para ba siyang mahihimatay na lang bigla dahil sa sinabi ni Nydia. Ni hindi man lang niya pinadalos-dalos ang gusto niyang sabihin at diniretso niya kaagad si Cassandra.  “Wha-what do you mean?” kung makakalabas lang ang puso ni Cassandra ay lumabas na ito dahil sa sobrang kaba niya. Ngumiti lang si Nydia dahil alam naman niya kung bakit ganon ang reaksyon ng kanyang kaibigan.  “Hindi mo naman kailangan magpanggap,” wika ni Nydia na talaga namang nagpapakaba lang lalo kay Cassandra. “Kaibigan mo na ako ngayon kaya pwede ka ng magsabi kung ano ang problema. Hindi mo kailangan na magpanggap lagi na masaya dahil tao lang din naman tayo. Lahat tayo ay nakakaramdam ng lungkot.” Wika ni Nydia. Napatigil si Cassandra at tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo dahil sa sinabi ni Nydia.  “Halata sa mga mata mo na kahit nakangiti ka at umaabot hanggang mata ang mga ngiti mo ay mayroong nakatagong lungkot,” dagdag pa ni Nydia na may ngiti sa labi. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng kaibigan, gusto niyang alagaan at palagi niyang gustong maging masaya sa buhay ang kanyang kaibigan. Ayaw niyang makakita ng lungkot sa mata ni Cassandra at maging sa kanyang iba pang bagong kaibigan. Umawang ang labi ni Cassandra sa gulat. Hindi niya maiwasan na matigilan dahil sa mga sinabi ni Nydia. Hindi niya rin maiwasan na mamangha dahil kahit kailan ay hindi napuna ng kanyang matalik na kaibigan na si Zyrene ang kanyang mga mata dahil siya ang palaging nagpapatawa o kaya naman ay tumatawa ng malakas sa grupo. Tanging isang tao lang ang nakapansin at siya pa ang tao na ngayon niya lang naging kaibigan.  Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Nydia ang kanyang sitwasyon, alam niya sa sarili niya na hindi pa siya handang buksan ang kanyang buhay kay Nydia dahil hindi pa siya nakakasigurado sa dalaga kahit na kitang-kita naman niya na mabuti ang kalooban nito at malinis ang intensyon niya.  “Ayos lang kung hindi ka handang sabihin sa akin kung bakit at hindi ko rin naman itatanong sa’yo ang tanong na iyon.” agap agad ni Nydia dahil napansin niya ang pananahimik ng kanyang kaibigan. Ayaw niyang hindi maging kumportable sa kanya si Cassandra, may iilan na sa mga kaklase nila ang hindi komportable sa kanya, ayaw na niyang dagdagan pa.  “Gusto ko lang malaman mo na, nandito lang ako sa tabi mo. Alam ko na hindi pa ganon kalalim ang ating pagkakaibigan at ngayon lang palang talaga tayo nagkausap pero maasahan mo ako kapag kailangan mo ng tagapa-kinig o kausap. Kahit ano sa dalawa pwede ako, alam mo naman ang f*******: account ko o kaya naman ay ang number ko. Promise! Agad kong sasagutin ang tawag mo!” wika ni Nydia. Hindi niya alam kung napasobra na siya pero ang gusto lang niya ay gumaan ang loob ni Cassandra dahil mayroong isang tao na nandiyan lang sa tabi niya.  Hindi mapigilan na makonsensya ni Cassandra dahil siya ang nag-suggest sa kanyang mga kaibigan na gawing alalay si Nydia. Kung ganito kabuti ang kalooban ng dalaga ay baka mapatay siya ng konsensya niya.  “Sa-salamat,” tanging nasabi ni Cassandra dahil nagugulo na ang kanyang utak at sumasabay pa ang kanyang konsensya.  “Wala iyon, kaya nga magkaibigan tayo diba?” ngiti ni Nydia. “You don’t have to pretend when you’re with me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD