CHAPTER 34 Joy Hindi talaga matawad ang saya ni Nydia ngayon. Kaya naman habang pauwi siya sakay ng sundo na ibinigay din ng kanyang kapatid ay hindi mawala ang kurba na ngiti ng kanyang labi. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na animo'y nasisiyahan sa kadiliman na nakikita. Hindi rin maiwasan ng driver na mapatingin sa rear mirror dahil sa ngiti ng kanyang amo. Ngayon lang niya nakitang ganito si Nydia sa nakalipas na araw na palagi niya itong sinusundo kaya naman ramdam niya na may magandang nangyari ngayong araw sa dalaga. Tiyak na masisiyahan ang kapatid nito kapag binalita niya ang ngiti ngayon ni Nydia. Kung nanaginip man ngayon si Nydia ay ayaw na niyang magising. Gusto na lang niyang manirahan sa kanyang panaginip, ayaw na nga niyang umuwi kanina habang kasama niya ang k

