CHAPTER 33 (Part 2)
Cross
“Hmmm…” Makahulugang sambit ni Sacha. “Now, I’m wondering why you hate her that much.” Kumunot ang noo ni Madelyn dahil sa sinabi ng kaibigan. Tinaasan niya ito ng kilay dahil hindi niya alam kung ano ang gustong marinig sa kanya ni Sacha.
“What do you mean?” mataray na tanong ni Madelyn kay Sacha na nasa harapan niya. Magkatabi si Sacha at Sheena habang magkatabi naman sina Isiah at Madelyn. Magkatapat si Sacha at Madelyn habang nasa tapat naman ni Sheena si Isiah.
“Why do I think that there is something in your hate?” pagtatanong ni Sacha tiyaka siya ngumisi dahil nasisiyahan siya sa reaksyon ng kanyang kaibigan. Hindi mapigilan magtiim ng bagang ni Madelyn tiyaka niya hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kubyertos.
Dahil matagal na silang magkakasama ay para bang nakabisado na nila ang isa’t-isa at tinanggap na ang mga ugali nila. Pareho sila ni Sacha na hindi mapigil ang bunganga o walang preno ang kanilang bibig sa pagbibigay ng komento kaya madalas na sila rin ang nagkakasagutan dahil pareho nilang ayaw ang ugali nila pero at the end of the day, sila pa rin naman ang magtutulungan. Dahil walang ibang tutulong sa kanila kung hindi sila mismo.
“I hate her since she was poor and suddenly showed up on our class’ list.” Depensa ni Madelyn pero hindi mawala ang ngisi ng kanyang kaibigan na si Sacha sa kanyang harapan. Hindi na nito ginagalaw ang kanyang pagkain sa halip ay pinaglalaruan na lang niya ang isang kubyertos sa kanyang kamay habang inaasar si Madelyn.
Inaasar lang naman talaga ni Sacha noong una si Madelyn pero ngayon ay para bang may tinatago ang kanyang kaibigan. Para bang may mas malalim na dahilan kung bakit ayaw nito kay Nydia. Ngayon ay nagkaroon siya ng interes para alamin iyon, alam niyang hindi magsasabi si Madelyn sa itsura pa lang ng kaibigan niya ay wala itong balak sabihin kahit kanino kung ano man ang dahilan niya kung bakit ayaw na ayaw niya kay Nydia.
“Are you really sure?” mapanuyang tanong ni Sacha na siya namang ikinainis ni Madelyn. Halata na sa mukha ni Madelyn ang pagkainis dahil nakabusangot na siya.
“Sacha,” pagbabawal sa kanya ni Isiah dahil ramdam na niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung bakit inaasar ni Sacha si Madelyn tungkol don.
“What do you want to hear ba? That I hate her or I am fond of her?!” inis na tanong ni Madelyn dahil hindi niya talaga maintindihan ang kaibigan ngayon. Pero may naalala na nahagip ng mata ni Sacha noon kaya hindi malabong alam din ni Madelyn iyon kaya ganon na lang ang galit niya kay Nydia.
“Come on guys,” si Sheena dahil ayaw na lang niyang manahimik at baka tuluyan na talagang mag-away ang dalawa sa lamesa. Pareho pa naman din maikli ang kanilang pasensya. “Stop acting like that, we’re in a party related to business together with our family. Unless, you wanted to create a scene here and let your parents decide for your consequences since you humiliated them to their business partners.” Mahabang panenermon niya sa dalawa dahil alam niyang walang magpapatalo sa kanila dahil ayaw nilang magbaba ng pride.
“Anyway,” sambit ni Sheena na handa na niyang baguhin ang usapan dahil masyado na nilang sineseryoso ang pag-uusap kay Nydia. Ayaw niya na mag-away ang kanyang kaibigan dahil lang sa babaeng iyon. “How’s Brandon abroad?” pag-iiba niya ng topic na kaagad naman nagbago ang mood ni Madelyn pagkarinig pa lang ng pangalan ng lalaki. Tumiim naman ang bagang ni Isiah at pinili na lang niyang tumahimik habang kumakain.
“He’s doing great!” pagsagot ni Madelyn na animo’y isang kasintahan na pinagyayabang ang kanyang nobyo. “He’s still adjusting, of course, but his lola is getting better.” sambit niya dahil minsan na lang din magparamdam si Brandon sa kanilang group chat. Nag-adjust pa siya sa klima, environment, mga tao at sa educational system ng ibang bansa.
“That’s good to hear since he is not active in our group chat.” sambit ni Sheena. Kahit na maloko si Brandon dahil sa impluwensya ng mga kaibigan nila ay mas nangingibabaw pa rin na siya ang pinaka-busilak ang kalooban sa lahat kaya madali niyang makuha ang loob ng lahat sa classroom.
“Or maybe he found a foreign girl,” pang-aasar naman ni Sacha kaya agad na bumusangot ang mukha ni Madelyn. Hindi na lihim ang pagkagusto niya kay Brandon, buong section nila ang may alam at tanga na lang si Brandon kung hindi pa maramdaman ng binata iyon.
“What’s wrong with you tonight, Sacha?” hindi mapigilan na tanungin ni Madelyn iyon dahil para bang siya ang target na asarin ni Sacha ngayon. Ang toxic trait kasi ng kaibigan niya ay kapag may hindi magandang nangyari sa araw niya ay maninira din siya ng araw ng ibang tao.
“Just,” kibit-balikat ni Sacha. “A guess, I guess?” mapaglarong dagdag na tanong pa nito na ikinainis lalo ni Madelyn.
“But as a friend, as a best friend rather,” wika ni Sacha. “You should ask Brandon what the score is between the two of you. Baka naghihintay ka dito sa Pinas, may kalandian na pala siya sa ibang bansa.” wika nito. Alam niya na mabait lang si Brandon, pansin din niya na wala namang iba ang trato niya kay Madelyn sa pagtrato niya sa kanila at sa kanilang ibang kaibigan na babae. At kitang-kita naman niya kung gaano kagusto ni Madelyn si Brandon, hindi lang gusto dahil mukhang nahuhulog na ang kanyang kaibigan.
“We’re happy with our set-up now,” sagot ni Madelyn dahil iyon ang ayaw niyang pag-usapan na topic. Iyon ang pinaka-iiwasan niya kapag pinag-uusapan na nila ng kanyang mga kaibigan kung ano ang namamagitan sa kanila ni Brandon.
“Come on, Madelyn. You should master your courage to ask him,” pag-engganyo ni Sacha sa kanyang kaibigan.
“Why? So, you can laugh about me if he will reject me?” pagtatanong ni Madelyn.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Sacha dahil biglang naging ganon ang isipan ng kanyang kaibigan. “You know that I love teasing you but I never wish for something like that and I will never laugh at you. Do you think our friendship is shallow?” pagtatanong ni Sacha.
“Then, why are you asking and suggesting these things to me right now?” inis na tanong ni Madelyn dahil bwisit na talaga siya.
Napa-face palm naman si Sheena dahil akala niya ay tapos na ang tensyon sa dalawa kanina dahil kay Nydia ngayon naman ay dahil kay Brandon. Mabuti pa palang hindi na lang iyon ang binuksan niya na topic. Tahimik lang na nakikinig si Isiah dahil ayaw niyang pakialaman si Madelyn sa usapin na dawit ang pangalan ni Brandon.
“It’s because I was concern to you and for someone who had a feelings for you,” agad na umangat ang tingin ni Isiah kay Sacha pagkatapos niyang sabihin iyon. Alam ng buong klase na may gusto si Isiah kay Madelyn pero si Madelyn lang ang walang alam dahil sarado na ang kanyang puso para sa ibang tao, masyado na siyang nakatutok kay Brandon.
Sinenyasan ni Isiah si Sacha na huwag niyang sabihin kay Madelyn at tumahimik pero inirapan lang siya ni Sacha kaya naman mariin ang pagpikit niya sa kanyang mga mata dahil ang hirap talagang kasama ng mga babae.
“Someone who had feelings for me?” pagtatanong ni Madelyn. “Ha, what would I do to him? It is crystal clear that Brandon is the one and only I wanted to marry!” singhal ni Madelyn.
Parang may bumaril sa puso ni Isiah pagkatapos na pagkatapos niyang marinig iyon sa bibig mismo ng taong mahal niya. Alam niyang wala naman siyang pag-asa kaya nga tahimik niya lang minamahal ang dalaga. Pinangako niya rin sa kanyang sarili na kung saan masaya ang dalaga ay doon siya sasaya pero hindi pala ganon kadali lalo na kung ibang lalaki ang kasiyahan nito. Masakit at mabigat pala sa dibdib pero hindi niya man lang kayang magalit kay Madelyn dahil hindi naman niya kasalanan na hindi niya maramdaman ang pagmamahal nito sa kanya. O magtanim ng galit kay Brandon dahil kaibigan niya pa rin ito at wala namang ginawang masama ang binata, hindi naman niya kasalanan na siya ang mahal ng babaeng mahal niya.
Nag-aalalang tumingin si Sheena kay Isiah pagkatapos na sabihin ni Madelyn iyon pero hindi niya makitang mabuti ang istura ng binata dahil nakayuko lang ito habang nakatingin sa kanyang pagkain. Tiningnan niya ng masama ang kanyang pinsan dahil sa ginawa nito. Tiningnan din ng mabilis ni Sacha si Isiah na nakayuko at halata sa itsura niya ang lungkot tiyaka niya binaling ang tingin sa kanyang pinsan na inis sa kanya kaya tinaasan niya lang ito ng kilay tiyaka niya in-snob.
“How heartless are you, Madelyn.” Sambit ni Sacha at binalik na niya ang tingin sa kanyang kaibigan. “You shouldn’t say those words to the person who loves you.” panenermon niya pa sa kanyang kaibigan.
“Wow,” hindi makapaniwalang sambit ni Madelyn. “Coming from you? When you’re hurting people who love you with your words and with your mood swings?” ganting tanong ni Madelyn dahil animo’y santa na nagpapayo kanina si Sacha habang siya ay makasalanan na nilalang na kailangan ng payo niya.
“You two,” inis na sambit ni Sheena dahil punong-puno na rin siya sa dalawa. “Will you shut your mouth and continue what you were eating?” pagtatanong niya dahil ayaw na niya ang hangin sa kanilang lamesa dahil parang ang hirap kumain dahil sa bangayan ng dalawa.
“Why me?” pagtatanong ni Madelyn tiyaka niya tiningnan si Sheena. “Your cousin started it all. Kung sira ang araw niya, huwag siyang manira ng araw ng ibang tao!” inis na sambit ni Madelyn.
“You know what, Sacha? I will be the one who will give you advice,” sambit ni Madelyn. “I think… you need to seek professional help. I think it’s not a normal mood swings anymore,”
“Madelyn! Are you losing your mind?!” Si Sheena ang sumagot para sa kanyang pinsan dahil alam niyang sensitive na topic iyon kay Sacha.
“Why? I’m just advising her as a best friend since I was concerned.” pangagaya niya kay Sacha na ngayon ay nakatiim ang bagang at tahimik lang habang masama ang tingin niya sa kanyang pagkain.
“Why would a normal person ruin someone’s day just because her day was ruined?” pagtatanong ni Madelyn dahil na-badtrip na talaga siya ni Sacha. “You know what, you’re lucky to have Vanz beside you despite your toxic attitude. And you’re lucky to have us but I think you really crossed the line tonight that is why I am crossing the line too.”
“I get your point, you were concerned. I appreciate it. However, this is not the right time to open that topic. Be sensitive.” Wika ni Madelyn. “Sacha, ruining someone’s day wouldn’t give you a good day.”
“Madelyn!” pagwa-warning sa kanya ni Sheena dahil nananahimik na si Sacha at kapag ganito ang galawan ng kanyang pinsan ay alam niyang sasabog siya ano mang oras at ayaw niyang mangyari iyon.
Una dahil ayaw niyang gumawa sila ng eksena. Pangalawa dahil alam niyang pare-pareho silang mapapagalitan sa kanilang mga magulang kapag nangyari iyon. At pang huli, ayaw niyang mag-away silang magkakaibigan.
Alam niya na nag-aasaran ang dalawa palagi pero hindi niya inaasahan na aabot sila sa ganito ngayong gabi. Importante din ang party na dinaluhan nila para sa kanilang mga magulang, para sa kanilang business kaya alam niya na kapag gumawa sila ng eksena ay patay silang lahat sa bahay.
“We should go home, Madelyn.” Tumayo na si Isiah dahil ramdam niya rin ang pagiging seryoso ng dalawa. Sa daang-daang beses na nag-aasaran sila ay ngayon lang sila umabot sa puntong ganto ka-tensyonado para sa mga nakapaligid sa kanila.
Siguro ay nasira nga ang araw ni Sacha kaya ginugulo niya ang araw ng ibang tao. At alam niya na kanina pa malalim ang iniisip ni Madelyn na mukhang wala siya sa mood at siya pa ang napagdeskitahan ni Sacha. Ayos naman magtambal ang dalawa, dahil kapag sila na ang nagsama ay taob kung sino man ang kaaway nila. Kaya kapag silang dalawa na ang nag-away ay hirap silang pagbawalan.
“Yes, we should really go home.” Sang-ayon ni Madelyn tiyaka na rin siya tumayo at kinuha na niya ang kanyang bag. Pero bago pa sila umalis, ang akala nilang lahat ay tapos na si Madelyn pero hindi pa rin pala.
“I’m really serious, Sacha. As a friend, I recommend you go to a professional so they could help you with this kind of matter. There’s nothing wrong for seeking professional hel-”
“Enough,” tanging sambit lang ni Sacha, hindi na niya pinatapos ang walang kwentang speech ni Madelyn.
“You should consider i-” pagpipilitan pa ni Madelyn.
“I said, enough!” inis na sambit ni Sacha tiyaka niya sinalubong ang mga tingin ni Madelyn gamit ang kanyang nanlilisik na mata.
“Sac-”
“You indeed crossed the line tonight,” sambit ni Sacha. “I forgive you since we were best friends, now get out of my sight!”