CHAPTER 33
Hate
Habang naghahanda si Madelyn para sa dadaluhan niyang dinner party maya-maya kasama ang kanyang pamilya at ang mga business partner nito ay hindi niya maiwasan tumingin sa isang frame na nakalagay sa kanyang vanity table. Ngumiti siya habang tinitingnan niya ang litrato dahil sa lalaking kasama niya roon. Kuha iyon noong moving up nila, pareho silang naka-puting toga habang hawak-hawak ang kanilang diploma at may nakasabit pa na mga medalya sa kanilang leeg. Hindi matawaran ang ngiti ni Madelyn doon habang ngiting-ngiti rin ang kasama niyang lalaki habang naka-akbay pa sa kanya. Iyon ang paborito niyang litrato nilang dalawa kaya agad niyang pinrint at nilagay sa isang maganda at mamahalin na frame.
Hinaplos niya ang mukha ng lalaki sa salamin ng frame, hindi niya maiwasan na mangulila sa paglisan nito dahil kailangan nitong mag-aral sa ibang bansa para sa lolo niya na may sakit sa ibang bansa. Siya kasi ang paboritong apo kaya wala naman siyang magawa kung hindi mag-transfer sa ibang bansa at mag migrate. Hindi rin naman problema sa kanya iyon dahil alam ni Madelyn na mahal na mahal nito ang kanyang lolo at lola kaya naman hindi man lang ito nagdalawang-isip na umalis ng bansa.
Brandon Almonte. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangalan ng lalaking unang bumihag sa kanyang puso. Ang akala niya noon ay humahanga lang siya sa binata hanggang sa maramdaman na lang niya na mayroon na siyang kakaiba at mas malalim na nararamdaman dito. Hindi niya rin alam noong magkasama pa sila kung anong meron sa kanila, kung magkaibigan lang ba sila o may mas malalim pang ugnayan sa kanila. Nalilito na rin siya dahil wala naman silang label, na kapag may nagtatanong ay nahihirapan siyang sumagot kung magkaibigan lang ba sila o may namumuo ng kakaiba sa pagitan nila kaya ang nasasagot na lang niya minsan ay masaya silang dalawa.
Hanggang ngayon, kahit na magkalayo sila ng lalaki, kahit na nasa ibang panig ng mundo ang lalaki at magkaibang-magkaiba ang kanilang oras ay mayroon pa rin silang komunikasyon. Kaya kahit na maraming nirereto ang kanyang mga magulang sa kanya mula sa mga kaibigan nila sa negosyo ay inaayawan na niya dahil nakikita na niya ang future niya kay Brandon. Alam niya na hindi pa sila o hindi pa nanliligaw ang binata sa kanya pero sa ngayon ay siya lang ang nakikita ng dalaga sa kanyang mga mata at wala ng iba.
Maging ang kanyang mga kaibigan ay alam na kung ano man ang nararamdaman niya para kay Brandon. Sino ba namang hindi makakaalam kung maging ang lock screen at wallpaper niya ay litrato nilang dalawa? Hindi man niya naamin ang kanyang nararamdaman sa binata bago siya umalis dahil pinaghihinaan pa siya ng loob at hindi pa siya ganon kasigurado sa kanyang nararamdaman. Baka kasi nalilito lang siya at masira kung ano man ang meron sa kanila. Mas pinipili niya ang relasyon nila na masaya lang at walang kahit anong drama. Mas pinipili niya na masaya lang siya sa pag-uusap nila keysa tanungin kung ano bang meron sa kanilang dalawa. Mas pinipili niya ang kasiyahan kahit na malabong-malabo na sa kanya kung ano ba ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Hindi rin umamin sa kanya si Brandon o nagsabi man lang ng nararamdaman niya. Kahit na minsan ay inaasar siya ni Sacha na sadyang mabait lang si Brandon ay hindi siya naniniwala. Dahil ramdam naman niya na may gusto rin sa kanya ang binata. Natatakot lang siyang isugal ang kung anong meron sila kapag masyado niyang minamadali. Mas mabuti pang hintayin na niya si Brandon na magsabi sa kanya kung ano man ang nararamdaman niya. Maghihintay na lang siya sa panahon na umamin si Brandon sa kanya keysa kumprontahan niya ang lalaki.
May parte sa kanya ang natatakot na baka mali pala siya ng pagkaka-intindi. Pero namamali ba ang pakiramdam? At kung paano siya tratuhin ng lalaki ay iisipin mo naman agad na may kakaiba. Kahit na tinatawag na siyang tanga nina Antonniette dahil wala siyang lakas ng loob na buksan kay Brandon iyon.
“I don’t know why the hell you agreed with Antonniette,” sambit ni Sacha tiyaka niya ininom ang kanyang champagne. Wala pa sila sa legal age pero dahil kasama naman nila ang kanilang mga magulang ay hinayaan nila ang kanilang anak.
Matagal nang magkakaibigan sina Sacha, Sheena, Isiah at Madelyn dahil malapit din ang pamilya nila sa isa’t-isa. Parehong elementary school lang din ang pinasukan nilang tatlo kaya matagal na nilang kakilala ang isa’t-isa kumpara sa iba pa nilang kaibigan. Meron sa kanila na nagkikita na noong bago pa sila mag high school pero silang apat talaga ang mas dikit dahil nga sa kanilang pamilya. Lagi silang nagkikita sa mga party, business at kung ano man na okasyon ang dadaluhan ng kanilang pamilya.
“I didn’t agree,” paglilinaw ni Madelyn. Hindi niya maiwasan na mainis o mapikon dahil mukhang magsimula noong Biyernes na iyon ay sinasabi na lang ni Sacha sa kanya iyon at maging sa group chat nilang apat ay siya ang pinaparinggan ni Sacha. Naniniwala kasi si Sacha na kung hindi siya pumayag sa plano ni Antoniette ay hindi mayayanig ng ganon ang kanilang section.
“Just say what you say but at the end of the day, you still agree with their plan or whatever they call it.” Umikot ang mata ni Sacha sa inis.
“You should think carefully before agreeing with that kind of things,” pandagdag pa ni Sheena na halatang kampi sa kanyang pinsan. Wala naman siyang aasahan na kakampi sa kanya dahil simula pa lang ay nagkakampihan na palagi ang dalawa.
“I told you that I didn’t agree,” binitawan ni Madelyn ang kanyang kubyertos dahil naiinis siya na hindi maintindihan ng dalawa niyang kaibigan na hindi naman talaga siya sumang-ayon sa sinabi nina Antonnitte sa kanya noong isang araw.
“You are the one who is responsible for the final answer. Why did you say yes?” pagatatanong ni Sheena. Nainis lang din si Sheena sa transferee nila dahil palagi itong nakangiti, mukha siyang weirdo.
“Sheena, she already told you that she didn’t agree,” pagtatanggol ni Isiah dahil hinid na lang niya mabilang kung ilang beses nang pinagpipilitan kay Madelyn iyon na para bang naging kasalanan ng dalaga.
“Why are you doubting me?” inis na tanong ni Madelyn at lalo pa siyang mainis nang ma-imagine niya ang mukha ni Nydia. Hawak-hawak niya ang dalawang kubyertos habang gigil na gigil siya dahil iniiwasan niyang masamang salita.
“I hate her from the very start,” dagdag pa ni Madelyn.