Chapter 8: Confession

2792 Words
CHAPTER 8 Confession “What is your problem?” pagtatanong ni Vanz nang padabog na nag-aayos ng gamit si Sacha sa cabinet na nandoon. Hindi na nga siya nakipag-unahan sa cabinet para pagbigyan ang dalaga sa space na gusto nito para hindi sila mag-away pero nagdadabog pa rin si Sacha. Nakaupo sa paanan ng kama si Vanz habang tamad niyang pinagmamasdan na maglagay ng damit si Sacha sa loob ng cabinet. Para bang galit na galit siya sa kanyang mga gamit para padabog niyang ayusin ito. Mula sa kanyang maleta na nasa baba habang “You!” Turo ni Sacha sa kanya pagkatapos niyang ilagay ang kanyang mga damit sa cabinet. Umawang ang labi ni Vanz dahil sa biglaang pag-alburoto ni Sacha, napatayo mula sa pagkakaupo sa kama si Vanz tiyaka niya nilagay sa magkabilang gilid ng bewang niya ang kanyang mga kamay habang nakatingin kay Sacha gamit ang hindi niya makapaniwala na dahilan. “What did I do?” pagtatanong ni Vanz. Alam niyang may anger issue ang babae simula pa noon at may pagka-moody na siya. Hindi niya alam kung tinuloy pa bani Sacha ang pagkikita sa therapist niya noon o nahinto na noong college sila. Noong magkasintahan kasi sila ay alam niyang kada linggo ay bumibisita ito sa isang psychiatrist. “You shouldn’t agree with this set-up but you’re the one who insisted!” Sigaw niya sa binata. Gumalaw bahagya ang ulo ni Vanz, hindi makapaniwala sa dahilan ng dalaga kung bakit siya galit ngayon. “Why? I didn’t choose to be with you in one room,” sinubukan maging mahinahon ni Vanz dahil alam niyang sasabog na si Sacha kapag sinabayan pa niya ang galit nito. “You should tell our friends that you didn’t want this set-up,” mahinahon na sambit ng binata sa dalaga. “You think it was easy to tell them that? I’m not a killjoy!” nagtitimping wika ni Sacha. Ayaw niyang makasama si Vanz sa iisang kwarto dahil alam niya na kahit anong tanggi niya sa sarili niya ay may puwang pa rin ang binata sa kanyang puso. “I didn’t say you’re a killjoy,” depensa ni Vanz. Tiningnan niya ang mukha ni Sacha at bakas pa rin ang inis sa mukha nito. “Can we just pretend that this set-up is okay? It's just one week, Sach.” “Vanz, I’m engage!” halos maputol ang ugat ni Sacha sa kanyang leeg habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang sigawan ang binata pero ayaw niyang marinig sila ng kanilang mga kaibigan na nag-aaway dahil lamang sa hindi niya malamang dahilan kung bakit siya naiinis. “You already told me that. That’s not a problem to me, what are you scared of?” pagtatanong ni Vanz. May ideya na siya kung bakit nagkakaganito ang dalaga pero ayaw niya lang umasa dahil sa oras na nakumpirma niya kung tama nga ang pakiramdam nito ay alam niya sa sarili niyang handa niyang ipaglaban ang dalaga kahit ano man ang humadlang sa kanila o kung sino man ang hahadlang sa kanila. “I’m not scared, what are you saying?” pagtanggi ni Sacha pagkatapos ay umiwas siya ng tingin tiyaka niya tinalikuran si Vanz para ayusin muli ang kanyang mga damit na hindi maayos dahil sa padabog niyang nilagay ito kanina. Pero bago pa siya makakuha ng mga natitira niyang damit sa maleta para ilagay na sa cabinet ay naramdaman na niya ang mariin na paghawak ni Vanz sa kanyang braso tiyaka niya ito pwersahan na hinarap sa kanya. Hindi maitatanggi na mas malakas sa kanya si Vanz kaya kahit na sinubukan niyang tanggalin iyon ay hindi niya magawa sa halip ay lalo pang hinigpitan ni Vanz ang pagkakahawak sa kanya dahil sinubukan niyang kumawala. “Va-vanz, ano ba?!” pagtangis ni Sacha nang makaharap na siya kay Vanz. Kaagad din siyang umiwas ng tingin nang tumama ang kanyang mga mata sa mga mata ng binata, punong-puno iyon ng intensidad na hindi niya kayang makipag palitan ng tingin. “Why? Are you scared?” muling pagtatanong ni Vanz gamit ang kanyang mababaw na boses tiyaka niya unti-unting nilapit ang kanyang mukha sa dalaga kaagad na tinagilid ni Sacha ang kanyang ulo para hindi niya masalubong ang labi ni Vanz, kaagad din namang huminto si Vanz pero ramdam na ni Sacha ang hininga ng binata. “Vanz, let me go.” Utos ni Sacha pero para bang naging labag na iyon sa kanyang kalooban dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman niya dahil lamang sa paghawak ng binata sa kanya. “Do you like your fiance?” tanong niya kay Sacha. “Do you like who they pair you with?” dagdag na tanong ni Vanz gamit ang kanyang seryosong boses. “P-pwede ba?!” inis na sambit ni Sacha dahil alam na niya kung saan ang pupuntahan ng kanilang pag-uusap kung magtutuloy-tuloy pa ito. “Natatakot ka bang aminin kung ano ang totoo mong nararamdaman sa akin?” pagtatanong ni Vanz tiyaka niya muling nilapit ang kanyang mukha, hindi naman inaasahan ni Sacha ang paglapit nito kaya noong nakasimangot siyang humarap ay nag tama na ang kanilang mga labi. Kaagad na inangkin ni Vanz ang labi ng dalaga dahil sa paglipas ng panahon, kahit na ilang labi pa ang natikman niya sa loob ng isang dekada ay ang mga labi pa rin ng dalaga ang hinahanap-hanap niya. Marahas ang paghalik niya kay Sacha kahit na sinubukan kumawala ni Sacha sa kanyang mga halik dahil tama nga si Vanz na natatakot siyang muling sumibol ang kanyang nararamdaman para sa binata. Tinulak niya si Vanz para humiwalay na ito sa kanilang halik, naramdaman na niya ang kanyang labi na nagdurugo kung paano ito kasabik na humalik. Ngunit dahil sa panghihina ang kaninang pagtulak niya sa balikat ng binata ay nakuyom na niya ang kanyang kamao sa t-shirt nito tiyaka nagsimulang gumalaw ang kanyang labi para masuklian ang mga halik ng binata sa kanya. Lihim na napangisi si Vanz dahil naramdaman niya ang pagtugon ng dalaga, na para bang isa iyong kumpirmasyon sa kanyang hinala at kasagutan sa kanyang katanungan kanina. Mula sa pagkakahawak niya sa braso ng dalaga ay bumaba ito sa kanyang bewang tiyaka niya lalong hinigit ito papalapit sa kanya. Lalong naglapit ang kanilang mga katawan dahil sa ginawa ni Vanz. Dahil sa paggalaw ng mga labini Sacha ay para na niyang inamin kay Vanz ang tunay niyang nararamdaman. It looks like she just confessed by kissing him back. “Ops! Sorry, wrong timing.” kaagad na humiwalay si Sacha sa halikan nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan pati na rin ang boses ni Kyle pero hindi pa rin nawawala ang pagkakahawak ni Vanz sa kanyang bewang. Bahagya niyang niyuko ang kanyang sarili para hindi siya matingnan ni Kyle, nasa likuran ni Vanz ang pintuan at malapad ang dibdib ng binata sakto lang para matakpan siya. “f**k off, Kyle,” malutong ang pagkakasabi ni Vanz para palayasin ang kanyang kaibigan. Tinampi ni Sacha ang kamay ni Vanz na nakahawak sa kanyang beywang para alisin ito lalo nang may naalala siyang nangyari noong gabing iyon. Pinikit niyang mariin ang kanyang mga mata para maalis iyon sa kanyang utak tiyaka niya tinalikuran si Vanz at sinimulan muli ang pag-aayos ng kanyang mga damit. “Marami ka bang damit?” tanong ni Christy kay Aaron na ngayon ay nakahiga sa kama habang nakalagay ang kanyang braso sa bandang noo niya at nakapikit. Habang si Christy naman ay nakaluhod sa sahig dahil binubuksan na niya ang kanyang maleta. “Just fix your stuff first,” sambit ni Aaron sa kanya kaya tumango siya. Alam naman niya na pagod si Aaron dahil sa hospital din siya nagtatrabaho. Hindi ganon kadali ang kanilang trabaho lalo na kapag dagsaan ang mga pasyente sa emergency room na kahit hindi sa ER naka-assign ay kailangan nilang tumulong dahil kulang ang mga doctor at nurse sa bilang ng mga pasyente. Kaya sa buong buhay niya ay ang tunog ng ambulansya ang ayaw niyang marinig. “Do you have a boyfriend?” biglang natigilan si Christy sa pag-aalis ng kanyang damit sa maleta. Sa sahig muna niya kasi ito nilalagay bago ito isahan na ilagay sa loob ng cabinet. Hindi niya inaasahan ang tanong ni Aaron. “You’re really tired, aren’t you?” kunwari ay natawa si Christy para maibsan ang kabang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan bigla sa tanong ni Aaron gayong kanina ay hindi naman siya nakaramdam nang ganoong kaba noong ang mga kaibigan niyang mga babae ang nagtanong. O dahil baka alam niyang hindi malabo na may alma si Aaron dahil sa liit lang ng circle nilang mga doctor at mga nurse. Lalo na’t magkalapit pa ang hospital na pinagtatrabahuhan nila. “I know,” dahil sa sinabi ni Aaron ay nawala ang pilit na ngiting ipinakita niya kanina. Napatingin siya sa binata na ganon pa rin ang posisyon na para bang wala lang iyon sa kanya. “He is your boyfriend?” tumiim ang bagang ni Christy dahil alam na nga ni Aaron pero laking pasasalamat niya lang na hindi niya ito sinabi sa kanilang mga kaibigan. “If you know it already,” suminghap muna siya bago niya ituloy ang kanyang sasabihin. “Why didn't you tell us to our friends so they wouldn’t ship us?” Christy rolled her eyes. Gusto niyang makita na hindi siya apektado kung sakali man na alam ni Aaron. “Why? Do you want me to tell them about it?” pagtatanong ni Aaron tiyaka niya minulat ang kanyang mata para matingnan si Christy. Nagsalubong kaagad ang kanilang mga tingin. “Don’t.” agap ni Christy dahil ayaw niyang may makaalam non. Tumango si Aaron na naintindihan kung ano ang gusto ng dalaga. Natahimik silang dalawa kaya pinagpatuloy na ni Christy ang pagkuha ng kanyang mga damit mula sa kanyang maleta. Napakunot ang kanyang noo nang may mahulog na kakaiba nang kinuha niya ang isa niyang t-shirt, dalawang ID iyon na hindi naman pamilyar sa kanya at alam niyang hindi iyon sa kanya. Kaya ganon na lang ang gulat niya nang pagkakuha niya ng isa ay nakita niya ang kanyang litrato maging ang kanyang pangalan doon, lalong kumunot ang kanyang noo at kinabahan nang makita niya kung ano ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan. Licensed for Failure Christy Lazaro, Registered Nurse Kaagad na umangat ang kanyang nag-aakusang tingin kay Aaron dahil kakasabi niya palang na alam niya. “You did it?” muling nagmulat ang mga mata ni Aaron tiyaka siya napatingin sa dalaga. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya masyadong makita kung ano ang hawak ng dalaga. “What is that?” tanong ni Aaron tiyaka siya unti-unting tumayo mula sa kama para lapitan si Christy pero umurong si Christy dahil hindi niya matanggap kung sakali man si Aaron ang may gawa noon. “Did you do it?” tanong niyang muli, lumapit na si Aaron sa dalaga tiyaka niya kinuha ang ID na hawak-hawak nito. Kumunot ang noo niya dahil hindi naman iyon government’s ID o kung ano pang legal na ID dahil mukha lang iyong gawa-gawa. “Of course not,” mahina ang pagkakasabi ni Aaron tiyaka siya nakatingin sa nakasulat sa bandang ibabang pangalan ni Christy, umawang ang labi niya kahit na hindi na iyon lingid sa kanyang kaalaman. “You are the only one who knew that!” hinaaan ni Christy ang kanyang boses kahit na gusto niyang mag histerikal sa harapan ni Aaron, walang ibang nakakaalam non kung hindi si Aaron lang kaya hindi malabo na galing sa lalaki ang ID na iyon. “I knew it but I wouldn’t do it to you,” pagpapaintindi ni Aaron sa kanya. “Even if I don’t understand why you do it, I still like you. So, how could I do this to you?” nanghihinang tanong ni Aaron dahil hindi niya kayang akusahan siya ng dalaga. Samantalang natahimik bigla si Christy sa biglaang pag-amin sa kanya ng binata. “Where did you get it?” tanong nito, dahil sa gulat sa biglaang pag-amin ni Aaron ay hindi niya iyon masagot sa halip ay tiningnan niya ang kanyang maleta kung saan niya ito nakuha. Kaagad siyang sinundan ng tingin ni Aaron at napatingin na rin ito sa maleta ng dalaga na may kaunting damit na lang niya dahil nailabas na niya kanina. Kumunot ang noo ni Aaron nang may nakita pa siyang isang ID na katulad noong hawak niya kaya mabilis niya iyong kinuha para makita kung kanino iyon. Nagtiim ang kanyang bagang nang makita niya ang kanyang mukha pati na rin ang kanyang pangalan, kagaya ng ID ni Christy ay mayroon ding nakasulat sa baba noon na lalong nagpa-igting sa kanyang panga. Licensed for Failure Aaron Carreon, Doctor of Medicine “What’s that?” hindi maiwasan ma-curious ni Christy dahil sa naging reaksyon ni Aaron kaya kaagad siyang lumapit sa binata. Umawang ang labi niya hindi lamang dahil sa gulat na mayroon din si Aaron kung hindi gulat dahil sa nabasa niya sa baba ng pangalan nito. Humigpit ang hawak ni Aaron sa ID niya na halos makita na ang ugat sa kanyang kamay. “Y-you did what was written there?” pagtatanong ni Christy dahil hindi siya makapaniwala na magagawa ni Aaron iyon pero kung tama man ang nakasulat doon ay nagawa na nga ng lalaki. Hindi sumagot si Aaron sa kanyang tanong pero imbis na matakutan siya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng binata tiyaka niya ito hinarap sa kanya. “Yes or no?” muling pagtatanong niya dahil gusto niyang makakuha ng kasagutan at kung bakit niya ito ginawa. Matapang siyang tiningnan ni Aaron kaya nabitawan niya ang mga pisngi nito. “Yes,” buong loob na sagot ni Aaron kaya napaawang sa labi si Christy. Alam niyang wala na siyang magagawa kung hindi umamin kay Christy, hindi niya inaasahan na sa loob ng isang oras ay dalawang katotohanan ang maamin niya sa harapan ng dalaga. There’s something in Christy's eyes that trapped him into a confession. “Wh-why?” ang dami niyang tanong na gusto niyang masagot sa kanyang isipan ngunit tanging isang salita lamang ang lumabas sa kanyang bibig dahil sa gulat. Hindi lang pag-amin ng nararamdaman ni Aaron ang nangyari ngayon kung hindi pati na rin sa matagal niyang sikreto na siya lang ang nakakaalam ngayon ay kailangan na niyang harapin ang katotohanan at sa harapan pa mismo ng babaeng matagal na niyang hinahangaan. Pumikit siya ng mariin dahil nakita niya ang takot sa mga mata ni Christy at hindi niya maatim na tingnan iyon. Para siyang sinaksak ng libo-libong injection dahil sa pinakitang ekspresyon ng dalaga. Pero kumuha siya ng lakas ng loob para maamin kay Christy, ayaw niyang sa t’wing tinitingnan siya ni Christy ay nakikita niya ang takot sa mga mata nito. “That was just an accident,” tipid na sagot niya dahil iyon ang totoo pero alam din niya na sa kaloob-looban niya ay gusto niya ang nangyaring iyon. Marahan na tumango si Christy na para bang naintindihan niya ang kanyang kaibigan. Sandali niyang kinlaro at pinroseso sa kanyang utak ang kanyang nalaman. Hindi niya dapat husgahan si Aaron dahil don, kung hindi siya hinusgahan ng lalaki pagkatapos niyang malaman kung anong tinatago niyang sikreto ay dapat niya lang tanggapin kung ano ang kamalian ng lalaki. Tutal, wala rin naman pinagkaiba ang pagpipkit niya noong gabing iyon sa muli niyang pagpikit sa katotohanan ngayon. Tama nga ang mga kaibigan niya na hindi naman lahat ng katotohanan ay dapat isawalat lalo na kung ikakasira ng isa. “I understand,” sambit niya kay Aaron para hindi mag-alala ang binata. Ngumiti siya tiyaka walang pag-alinlangan niyang niyakap ang binata para ipakita niyang hindi siya natatakot dito. “Ride or die,” dagdag niya pa sa gitna ng kanilang yakapan. Kumuyom ang kamao ng babae habang pinapanood niyang magkayakap ang dalawa. Ang buong akala niya ay magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasama dahil sa nalaman nila pero talaga ngang wala na silag puso na kaya pa nilang maging bulag para lang sa kapakanan ng isa’t-isa. Hindi niya rin lubos maisip na sa kabila ng nalaman ni Aaron sa dalaga ay tanggap niya pa rin ito at ganon din si Christy sa binata. Gusto niyang masuka habang tinitignan niyang magkayakap ang dalawa. Talaga namang maiitim ang budhi ng mga magkakaibigan na ito. Hindi na siya makapaghintay na sabay-sabay silang lulubog; hindi na siya makapaghintay na sa loob ng kulungan sila magyayakapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD