Chapter 9: Liquor

2853 Words
CHAPTER 9 Liquor “OMG! I didn’t see anything!” natatarantang tinakpan ni Cassandra ang kanyang mata gamit ang kanyang mga palad dahil hindi niya inaasahan na dadatnan niya sa ganoong ayos sina Aaron at Christy, hindi man lang sila nagsarado ng pintuan kaya tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok pero bigla siyang napaatras nang makita niyang magkayakap ang dalawa. Marahan na humiwalay ang dalawa, pasimpleng tumayo si Aaron habang hawak-hawak ang dalawa niyang ID pagkatapos ay nilagay niya ito sa loob noong maliit na bedside table. Huminga ng malalim si Christy bago siya humarap sa kanyang kaibigan na si Cassandra na ngayon ay nakatakip ang mata gamit ang mga kamay niya pero may pagitan ang kanyang daliri kaya nakikita niya pa rin kung ano ang nangyayari. “Tara na? Baba na ba?” pagtatanong ni Christy na para bang wala man lang iyong nadatnan na eksena ni Cassandra, ayaw din naman niyang sabihin pa kay Cassandra iyong tungkol sa ID. Mas maayos na na silang dalawa lang ni Aaron ang nakakaalam ng sikreto ng isa’t-isa. “Ahm. Kung tapos na raw mag-ayos, pinapatawag na ni ma’am Joanne,” may ngisi na sambit ni Cassandra habang pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri at pabalik-balik na tiningnan ang dalawa. “Bakit daw?” baritonong tanong ni Aaron kay Cassandra dahil hindi niya maiwasan mainis, hindi niya alam kung sino ang nagpagawa ng ID na iyon at pakiramdam niya ay isa sa mga kaibigan nila ang may gawa non, pero bakit? “Ah, pag-uusapan daw kung anong gagawin this week,” nag-alangan na sagot ni Cassandra dahil naramdaman niya ang inis sa boses ni Aaron. Napanguso siya dahil naisip niya na baka naistorbo niya ang dalawa pero napag-utusan lang naman siya ni Joanne! Hindi naman niya sinasadya na masilipan niya ang pribadong sandali na iyon tiyaka isa pa hindi man lang naman sila nagsarado ng pinto! “Hmm. Sige, ayusin ko lag sandali ito.” Iginaya ni Christy ang damit niyang nasa lapag pa rin at hindi pa rin niya ito nailalagay sa loob ng cabinet. “Sige sasabihin ko,” sagot ni Cassandra pero imbis na umalis na siya ay nakatayo pa rin siya sa may pintuan na para bang napako ang kanyang talampakan doon. Hindi na lang siya pinansin ni Christy tiyaka muli siyang nag-ayos ng kanyang mga damit sa loob ng cabinet. “May sasabihin ka pa, Cassandra?” tanong ni Aaron dahil napansin niya ang pagka-estatwa ng dalaga roon. Uminit ang pisngni ni Cassandra dahil nahihiya siya pero kailangan niya sigurong sabihin. “Ah, hindi naman sira iyong mga pinto namin,” wika niya tiyaka pa niya hinawakan ang door knob, ginalaw-galaw niya pa ito para ipakitang maayos lang iyon. Kumunot ang noo ni Aaron dahil sa pagtataka sa biglaang kilos ng dalaga. “Ah, gusto ko lang sabihin na,” bahagyang natawa si Cassandra para mawala ang pagkailang sa sasabihin niya. “Pwede kayong magsara ng pintuan, bye!” mabilis na sabi niya bago siya nagmamadaling umalis sa kanilang harapan. Dahil sa pagmamadali ni Cassandra ay nabunggo niyia sa hallway si Michael kaagad niya itong sinamaan ng tingin dahil may kasalanan ito sa kanya. Kahit na may edad na sila at kahit na balahura ang kanyang bunganga ay hindi siya sanay na makitang sobrang sweet ng kanyang mga kaibigan dahil na rin siguro parang kapatid na ang turing niya sa mga ito. “What?” tanong ni Michael nang bigla siyang harangin ni Cassandra, In-stretch pa niya ang dalawa niyang kamay na tila ba nagpapatintero para hindi makaalis sa harapan niya si Michael. “Ikaw ah? Bakit hindi mo sinasabi sa akin na nagyayakapan pala ang dalawa? Nakakahiya tuloy baka akala nila nakiki chismis ako sa love life nila,” tuloy-tuloy na sabi ni Cassandra. Nagpatulong kasi siya kina Kyle at Michael na katukin ang kanilang mga kaibigan dahil napa-CR siya kanina at baka magalit si Joanne sa kanya kapag late lahat bumaba. Panigurado ay siya ang sisihin niya dahil siya lag naman palagi ang late sa kanila. Kaya kanina ay nakita niyang nasa labas ng pintuan si Michael habang tinitingnan niya ang dalawang kaibigan na magkayakap, hindi na siya pumasok o nag-istorbo man lang dahil mukhang napakaseryoso nilang magyakapan. Privacy na rin nila iyon kaya iniwan na lang niya ang dalawa sa kanilang kwarto bago pa niya masaksihan kapag may kakaiba pa silang gagawin. Habang pababa na si Michael ay siya namang pagtatapos ni Cassandra na magbawas kaya nakatalikod na si Michael at pababa na ng hagdan nang makita niya ito bago siya pumunta sa kwarto nina Aaron at Christy. “It’s their privacy,” sambit ni Michael dahil iyon ang totoo. Tumayo na nang maayos si Cassandra tiyaka nagseryoso, tumingin muna siya sa paligid kung mayroon bang tao na makakarinig sa pag-uusapan nila ni Michael bago niya tinanong muli ang binata. “Do you think there’s something going on between them?” seryoso ang pagkakatanong ni Cassandra pero tanging kibit-balikat lang ni Michael ang nakuha niyang kasagutan. “Where are you going?” muli pa niyang pagtatanong sa binata. Tinuro niya ang kwarto nilang dalawa habang walang ekspresyon ang kanyang mukha. “I forgot to charge my phone.” Tumango si Cassandra sa sagot ng lalaki. Siya na sana ang sasagot nang bigla siyang napahinto dahil narinig niya ang boses ni Michael. “Don’t act obvious,” kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya maintindihan ang pinapahiwatig ng binata pero nang marealize niya ay inikutan niya lang ito ng mata. Kasabay na nagbabawas ni Cassandra si Clarence. Nasa loob siya ng banyo ng kwarto na na-assign sa kanilang dalawa ni Cathlyn, pinauna na niya ang dalaga sa pagbaba at sabihin na lang sa kanilang mga kasama na hindi na niya talaga kaya pang pigilan ang kanyang tiyan at kailangan na niya talagang ilabas iyon. Habang nasa loob siya ng banyo at nakaupo sa inidoro ay hawak-hawak niya ang kanyang wallet, seryoso niya iyong tinitingnan na tila ba makakakuha siya ng kasagutan sa kulay brown niyang leather wallet. Kung makasuri siya ay para bang makikita niya ang finger prints ng taong humawak non para malaman niya kung sino ang naglagay ng bagay na iyon sa loob ng kanyang wallet. Kinuha niya ang ID na bigla na lang niyang nakitang nakaipit sa kanyang wallet. Magkahalong kulay asul at puti ang makikita sa ID na iyon. Hindi niya alam kung anong purpose non at kung ano bang binabalak ng nag-ipit sa kanyang wallet. Muli niyang binasa ang nakasulat doon. Licensed for Failure Clarence Bacani, Architect Hinigpitan niya ang kanyang hawak nang muli niyang nabasa kung ano man ang nasa baba ng kanyang pangalan. Alam niyang malinis ang ginawa niyang iyon, alam niyang hindi magsasalita ang kaisa-isang taong nakakaalam non. Kaya paanong may nakaalam bigla sa kanyang mga kasama? Isang malaking kahihiyan kapag nalaman ng mga kaibigan niya ang bagay na iyon at isang malaking iskandalo kapag naisapubliko ang bagay na iyon. Huminga siya ng malalim tiyaka niya muling inalala kung sino ang huling humawak ng kanyang wallet bago niya hinawakan. Ang alam niya lang ay binigay niya iyon kay Cassandra kanina habang kumakain sila dahil nilagay niya iyon sa isang basket na nakita niya sa restaurant para bumunot siya kung sino ang magbabayad sa kinain nila. Hindi nabunot ang kanyang wallet pero pagbalik sa kanya ay mayroon na kaagad na nakalagay na ID. Posible bang alam ni Cassandra? Pero bakit? Anong plano niya? Anong kailangan niya? I-ba-blackmail ba siya ng kanyang kaibigan? Pero akala ba niya ride or die? Bakit kailangan humantong sa ganito? And did she hire a detective? Umiling siya, hindi magagawa ni Cassandra iyon. Masyado siyang busy sa career niya bilang vlogger, pag-edit ng kanyang mga videos, endorsements, at sa mga photo-shoot niya. Palagi na rin nagrereklamo si Cassandra noong nagkikita sila once a month na halos wala na siyang oras para sa sarili niya lalo na kapag natambakan na siya ng brand at kailangan na niyang i-upload kaagad pero hindi pa malinis ang pagkaka-edit niya. Paano niya magagawa iyon kung ganon siya ka-busy na tao? Sinong sisihin niya kung gayong lahat ng mga kaibigan niya ay wala namang oras para sa bagay na ito? Tiyaka isa pa, hindi naman iyon magagawa ng kanyang mga kaibigan. Pinilig niya ang kanyang ulo dahil may naiisip siyang mukha at mga pangalan na maaring gumawa noon pero hindi niya iyon tinanggap dahil alam niya at may tiwala siya sa kanyang mga kaibigan na hindi nila magagawa iyon. Baka hindi niya lang napansin ang wallet niya kanina at baka nakalagay na pala iyong ID sa kanyang wallet na hindi niya namamalayan. Nang matapos siya ay nilagay niya ang ID sa kanyang wallet para maitago iyon. Kailangan niya talagang itago dahil baka may makakita pa noon at malaman ang sinisikreto niya kung paano siya nakilala sa kanyang propesyon. Hindi niya hahayaan na mawala ang bagay na pinaghirapan niya sa loob ng isang dedaka at ilang taon. Papalabas na sana siya ng pintuan nang matigilan siya sa pagbukas ng doorknob nang may maramdaman siyangn pamilyar na boses na nag-uusap. Hindi siya pwedeng magkamali na si Michael iyon at si Cassandra pero ang huling linya ni Michael ang lalong nagpa-estatwa sa kanya habang nakahilig ang kanyang tenga sa may pintuan. “Don’t act obvious.” anong akto? Anong sinasabi ni Michael? May plano ba sila? Ayaw niyang pagdudahan ang kanyang mga kaibigan pero dahil sa isang ID na bigla na lang sumulpot sa kanyang wallet pati na rin ang pag-uusap ng dalawa kung saang alam niyang walang tao sa hallway dahil halos lahat ng mga boses ay sa baba niya narinig, para bang ayaw nila itong ipaalam sa mga kasamahan nila kung ano man ang pinag-uusapan nila. “Ano ba iyan?!” hindi mapigilan na mainis ni Joanne tiyaka siya humarap sa tatlong maloko niyang kaibigan dahil alam niya na isa sa kanila o ‘di kaya ay sila mismo ang may pakana nang nakita niyang mga alak sa ref. Hindi man lang sila nag-abalang itago ito. “What Joanne?” wala sa mood na tanong ni Vanz dahil alam niyang siya naman ang sisihin nila. Pero hindi na iyon ang problema niya, ang pinoproblema niya ngayon ay kung paano patigilin ang engagement ni Sacha. Sa paghalik kanina ng dalaga sa kanya ay alam niyang mahal pa siya ng dalaga. At mas kakailanganin niya lalo ng alak para makapag isip-isip siya. “Hindi ba’t napag-usapan natin na walang alak?” stress na tanong ni Joanne, pagkatapos ay tumingin siya kay Zyrene gamit ang nag-akusa niyang tingin dahil hindi niya mahanap si Cassandra na isang kasama ng tatlong ugok sa pag-grocery noong isang araw. “Oh? Bakit ka nakatingin sa akin?” tanong ni Zyrene habang tunog depensa siya dahil baka sisihin siya ni Joanne e wala naman din siyang kinalaman doon. “Hindi ba’t kasama ka sa nag-grocery? Malinaw na napag-usapan natin sa GC na walang alak. No liquor allowed!” pagpapaalala sa kanya ni Joanne, hindi niya maiwasan na mag histerikal dahil alam naman ng mga kaibigan niya kung bakit. “Nasaan ang listahan? Hindi niyo ba sinunod?” Pagtatanong ni Joanne. Umikot ang mata ni Zyrene. Sakto naman ang pagbaba ni Cassandra kaya kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya alam kung bakit bigla silang natahimik lahat at si Joanne ang nakatayo sa gitna ng sala habang nakaupo lang ang iba sa sofa o di kaya ay sa arm rest dahil hindi sila magkasya. Tahimik ang mga babae dahil may memorya ang bumalik sa kanilang isipan na ayaw na nilang ibukas pa kaya pinilit na itikom ang kanilang mga bibig. Samantala, tahimik naman ang mga lalaki dahil alam nila kanina pa na mayroong alak pero hindi nila iyon ginawang issue sa kadahilanang gusto rin naman nilang makainom. In short, tahimik ang mga lalaki dahil guilty sila na kahit na si Vanz lang ang may kasalanan ay willing pa rin naman sila na uminom at hindi nila ito sinuway. Oo at nagkasuwayan sila kanina pero alam naman nila na sa kaloob-looban nila ay hindi nila matiis hindi uminom ng alak sa loob ng isang linggo. Magsimula noong nagtrabaho sila ay para bang sa pag-inom na lang ng wine, champagne, o ano mang uri ng alak nila binubuhos ang kanilang stress at para makatulog na lang din sila. Minsan kasi hindi sila makatulog kapag masyadong marami ang iniisip nila sa trabaho kahit na pagod na sila maghapon kaya nakaugalian na nilang uminom ng alak bago matulog. “Oh? Bakit? May kasalanan na naman ba ako?” tanong ni Cassandra tiyaka niya nilagay ang kanyang kamay sa kanyang dibdib habang pababa pa rin siya sa mataas na hagdan. Nakuha niya ang atensyon ng iba ngunit ang iba ay malalim ang iniisip dahil sa memorya na gumugulo sa kanilang mga utak. “Did you approve that?” kumunot lalo ang noo ni Cassandra dahil sa pagtataka. Hindi niya alam kung ano ang ‘that’ na sinasabi ni Joanne at mukha siyang stress sa mga kaibigan niya. “Anong that? Tiyaka isa pa, kailan mo pa ba ako pinayagan na mag-approve? Hindi ba ikaw palagi ang nag-approve? Kahit na ikaw lang naman ang assistant secretary noon?” hindi mapigilan ni Cassandra ang mainis. “Cass,” pagbabawal ni Madelyn dahil baka kung saan pa humantong ang away ng dalawa. “Wow, so may sama ng loob ka sa akin?” sarkastiko ang pagkakatanong ni Joanne. Tumayo si Cathlyn para hawakan ang kaibigan at pakalmahin, naintindihan nilang lahat kung saan nanggaling si Joanne dahil lahat sila sa kaloob-looban nila ay hindi nila maiwasan na mag-panic. “That’s not the topic,” singit ni Antonniete tiyaka niya tiningnan ang mga lalaki at napasinghap dahil halata sa mga itsura nila na inaprubahan nila kung ano man ang ginusto nina Vanz. “Oh anong meron?” tanong ni Christy habang pababa sila ni Aaron, masyadong mabigat ang tensyon sa sala na mukhang may hindi na naman sila napagkasunduan. Wala namang bago don dahil hindi naman magkakasundo palagi ang lahat kahit noon pa. Ang maganda lang sa section nila ay kung ano ang napag-usapan o ‘di kaya ay napag-awayan sa loob ng kanilang classroom ay mananatili iyon sa apat na sulok ng classroom nila. Hindi iyon lalabas. “Sina Vanz kasi may dalang mga alak,” si Cathlyn na ang sumagot. Sandaling natigilan si Christy dahil kagaya ng lahat ay isang ala-ala ang bumalik sa kanyang isipan. Tiningnan niya si Aaron gamit ang nag-akusang tingin dahil hindi man lang sinabi sa kanya ng binata. “Sus, alak lang naman. Bakit niyo ba ginagawang big deal?” sa wakas ay nagtanong na si Vanz. “Huwag na kayong mag turuan, ako ang may dala. Okay?” wika nito dahil mukhang mag-aaway pa ang mga babae. Iilan ang suminghap sa kanila dahil sa sinabi ni Vanz, para bang nauulit ang dati. Gantong-ganto rin ang eksena noong gabing iyon. Hindi nila mapigilan ang pagtaas ng kanilang balahibo dahil para bang nauulit lang kung ano ang nangyari noon. At kinakabahan sila kung sino ang susunod sa kanya. “Panigurado isang gabi lang naman iyang mga alak na iyan kaya bakit hindi niyo pa kami pagbigyan?” pagtatanong pa ni Vanz. “Lahat naman ng kaartehan niyo ay sinusuportahan namin sa ilang mga inumin lang, hindi niyo kami masuportahan?” hindi maiwasan na mapa-face palm ni Madelyn sa sinabi ni Vanz. “Pagbigyan niyo na, isang gabi lang naman.” lahat sila ay tumingin sa pababa na su Michael habang nakapamulsa siya, maging sina Christy na nasa paanan ng hagdan ay napatingin din sa kanilang kaibigan na pababa. “Michael, pati ba naman ikaw?” hindi makapaniwala na tanong ni Sheena, ang buong akala niya ay si Michael na ang pinakamatino sa kanila. “Do you approve of that? You supported them? Of all people?” patuloy na pagsabi ni Sheena sa kanyang pagkadismaya. “Isang gabi nga lang daw diba, Sheena?” pagpapaintindi ni Michael tiyaka siya huminto nang nasa panglimang baitang siya sapat lamang na makita siya ng kanyang mga kaibigan. “Tiyaka, ano pang magagawa natin e nandiyan na?” tanong pa niya dahil kanina nga ay hindi niya nabawalan ang mga kaibigang lalaki lalo na ngayon. “Hayaan niyo na,” sambit na lang din ni Jefree habang nakatingin siya ng seryoso kay Michael bago niya iniwas ang kanyang tingin para tingnan ang iba nilang mga kaklase. “Alak lang naman iyon diba, Vanz?” klarong pagtatanong niya sa kaibigang lalaki para nang sa gayon, kahit papaano, ay maibsan ang kaba nilang lahat. “Yeah,” tamad na sagot ni Vanz. “You are all overacting just because of liquors, we’re always used to going to bars together.” Maingay na nagsinghapan ang lahat dahil mukhang wala na silang magagawa kung hindi magplano na lang kung ano ang gagawin nila sa mga susunod na araw. So, they’d still remember what happened years ago but they chose to shut their mouth and keep their eyes closed? They are all demons.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD