Chapter 10: Questions

2759 Words
CHAPTER 10 Questions “Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa kokote niya at pinagbigyan niyo sa kahibangan si Vanz,” kakatapos lang nilang kumain ng hapunan pero tila hindi pa tapos si Joanne sa pagraranta na hindi makapaniwala sa kanyang mga kaibigan na in-aprubahan nila ang kalokohan ni Vanz. Nandito ngayon sila sa may veranda sa first floor habang naglalaro ang kanilang mga kaibigan na lalaki sa may sala. Nagdala kasi sila ng kanilang play station, mukhang hindi na maalis sa mga kaibigan nila iyon kahit na may edad na sila. “Pabayaan mo na lang, Joanne. Para hindi na lang din kayo mag-away,” sambit ni Antonniete dahil mukhang hindi pa makakatulog ang kanyang kaibigan sa kakaisip doon. “Alam niyo naman kung anong nangyari noon, hindi ba?” pagtatanong ni Joanne pero mukhang hindi nagustuhan iyon ng kanyang mga kaibigan dahil halos sabay-sabay silang nag-singhapan. “Hindi ba’t napag-usapan na natin iyan noon?” muling pagtatanong ni Sacha dahil hindi niya alam kung bakit magsimula kanina ay bumabalik ang ala-ala ng nakaraan na hindi na pa niya dapat pang balikan. “Right,” sang-ayon ni Sheena sa kanyang pinsan at kaibigan na si Sacha, ayaw na niyang maalala pa ang gabing iyon pero bakit bigla nila itong pinapaalala? “Past should stay there. There’s no need to mention nor reminisce about it.” Umawang ang labi ni Joanne na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng dalawa niyang kaibigan. Bahagya siyang napailing at handa na niya sanang atakihin si Sacha ngunit biglang sumabat si Zyrene. “Napag-usapan na natin iyan noon, napagkasunduan na natin kung anong dapat gawin kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nating alalahanin iyon ngayon dahil lang sa inumin na dinala ni Vanz?” tanong ni Zyrene kaya halos hindi makapaniwala si Joanne sa kanyang narinig. “Tiyaka isa pa, kay Vanz na mismo nanggaling na wala siyang ibang dinala kung hindi iyon diba? Hindi na rin siguro siya magdadala ng ganon dahil tatakbo bilang Presidente ang kanyang ama kaya malaking kasiraan iyon sa pamilya nila,” si Cathlyn naman ngayon ang nagsalita. “Right! Tiyaka, iinom din naman niyan tayo kaya ayos lang iyan. Isang gabi lang naman iyan, bukas ang party natin kaya bukas ay mawawala na rin ang pinoproblema mo, Joanne,” ani ni Hahn kaya napailing ng todo si Joanne na tila ba napagkaisahan siya ng kanyang mga kaibigan. “Hindi niyo ba maintindihan kung ano ang gusto kong ipunto?” tiningnan niya ang lahat ng kanyang mga kaibigan pero umiwas lang sila ng tingin. “Pwedeng mangyari sa inyo kung ano ang-” hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin nang sumabat na si Cassandra tiyaka niya sinenyas ang kanyang kamay para pahintuhin si Joanne. “That’s enough. We’re here to release our stress,” wika ni Cassandra dahil ayaw na niyang isipin pa kung ano ang sasabihin ni Joanne. “Cassandra’s right, we’re here to release our stress, not stressing over the past.” singit ni Christy. Hinawakan ni Antonnite ang braso ni Joanne pero kaagad iyong iniwas ni Joanne tiyaka siya umalis doon at galit na umakyat sa taas para pumasok sa kanilang mga kwarto. “At talagang ayaw pa nilang makonsensya? Ayaw nilang alalahanin ang kahayupan na ginawa nila noon?” Hindi makapaniwalang tanong niya habang mahigpit ang pagkakayukom ng kanyang kamao. Gustong-gusto na niya talagang makita at mapanood ang pagbagsak ng class A of 2010. Hindi mapigilan na pagmasdan ni Zyrene ang inaakto ni Joanne. Naintindihan naman niya kung bakit ganon na lang nagpapanic ang kanyang kaibigan pero hindi niya maintindihan kung bakit para siyang galit na galit? May kinalaman kaya siya sa ID na na nakita niya noong isang araw? Pero bakit siya lang ang padadalhan niya? Kung paghihiganti pala sa kahapon, bakit siya lang ang puntirya niya? “Dapat at hindi niyo na pinagkaisahan si Joanne,” hindi mapigilan na magkomento ni Antonniete dahil alam niya na magdaramdam ang kanyang kaibigan. “Edi, yung iba sa atin at iba sa mga boys ay huwag uminom para may mag-control,” komento ni Cathlyn para hindi na sila mag-away pa roon. Isang linggo na nga lang silang nandoon tapos hindi pa sila magkakasundo? “Hay! Huwag na nga natin pag-usapan ‘yan.” sambit ni Hahn dahil ayaw niya na kung saan pa humantong ang kanilang usapan. “Naintindihan naman natin ang pinagmumulan ni Joanne pero wala namang mangyayari kung mag overthink tayo tiyaka wala namang magandang idudulot sa atin iyon.” “Adviser nga natin hindi na niya maalala tapos aalalahanin pa natin ang walang kwentang pangyayari na iyon?” hindi maiwasan na mainis ni Sacha dahil hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang alalahanin iyon. “What’s the tea?” nagulat si Cassandra sa biglaang pagsulpot ng isang bulto ng tao sa kanyang likuran habang umiinom siya ng tea, si Michael lang pala. “Chimoso ka na, Attorney?” hindi mapigilan na asarin ni Zyrene ang kanyang kaibigan dahil sa biglaang pagsulpot nito. “Anong pinga-uusapan niyo?” pagtatanong ni Michael na hindi pinansin si Zyrene dahil curious siya kung ano man ang mukhang pinag-aawayan ng kanyang mga kaibigan na babae, Simula pa naman noong junior high school sila ay hindi nauubusan ng issue ang kanyang mga kaibigan na babae kaya hindi na muling bago pa sa kanya ang bagay na ito. “Nothing, just a trash from past,” si Sacha na ang sumagot dahil baka madebatehan pa sila at alam naman niya na hindi papatalo si Michael. Baka bigla na lang siyang magsabi ng kung ano-anong mga batas na alam naman niyang kahit abogado na siya ay hindi iyon free pass sa napagkasunduan nila noon, pare-pareho lang silang lumabag. “Akala ko naman mainit-init pa,” sambit ni Michael tiyaka siya napailing para ipakita kunwari ang pagkadismaya sa kanyang mga kaibigan dahil hindi siya nakahigop ng mainit na tsaa. Kung chismis lang ang pag-uusapan ay hindi mahuhuli ang kanyang mga kaibigan na babae na kahit maging ang kanilang mga guro ay alam nila bigla ang talambuhay nila kahit na hindi ito nagkukuwento. “Malamig na pala,” dagdag pa nito, tinutukoy niya ang issue na galing pala sa past. Muling nagbukas ng panibagong topic pagkatapos ay humalo na sila sa boys para makigulo at nang mapagod sila ay sabay-sabay na silang umakyat para matulog pwera lang kina Hermes at Jefree, hindi lang dahil sa ibaba ang kanilang kwarto kung hindi dahil sila ang nabunot kanina para maglinis ng mga kalat at ayusin ang mga nagulong sofa dahil para silang bumalik sa pagkabata kaninang naglalaro at nag-aagawan sila ng controller. “Father,” pagtawag ni Hermes habang nililinis niya ang center table sa sala na may ilang mga paper cup at mga snacks na hindi man lang nag-abala ang kanilang mga kaibigan na itapon ito sa basurahan na nasa may labas ng dirty kitchen. Kanina pa iniisip ni Hermes na tanungin si Jefree kung nakatanggap din ba siya ng ID ang kaso nga lang ay hindi niya alam kung paano sisimulan at paano kung mali pala ang hinala niya? Edi magtataka si Jefree at baka wala siyang magawa kung hindi sabihin na nakatanggap siya ng weird na ID? Kahit na nakikitawa at nag-enjoy siya kanina sa paglalaro ay hindi pa rin niya maiwasan na isipin na nakakasalamuha niya ang taong may alam sa kanyang sikreto at sa oras na kumala iyon ay hindi ling lisensya niya sa pagkapiloto ang mawawala, hindi lang ang reputasyon niya sa social media, kung hindi pati na rin ang kanyang kalayaan dahil alam niya na kung may matibay man itong ebidensya ay walang duda na siyang titira sa kulungan. “Bakit?” tanong ni Jefree habang nilalagay niya sa isang garbage bag ang mga kalat nila. Kanina pa rin niya napapansin na gusto siyang kausapin ni Hermes ang kaso nga lang ay hindi niya masabi iyon kapag may kasama silang ibang kaibigan. “Hindi ko alam kung paano ko ito itatanong,” suminghap si Hermes dahil paano kung walang natanggap si Jefree? Pero kailangan niyang makasigurado. “Did you received any ID with a color blue and white?” Umwang ang labi ni Jefree at hindi niya maiwasan na kabahan. Nakita ba ni Hermes ang ID na iyon? Pero hindi niya naman iyon nilagay! Nasa wallet niya iyon at nakatago sa kanyang maleta ang wallet! Paano naman nakita ni Hermes iyon? “Wh-what do you mean?” hindi maiwasan na mautal ni Jefree dahil kinakabahan siya na may makaalam na iba sa kanyang sikreto dahil lang nabasa nila ang ID na iyon. Dapat pala ay sinunog na lang niya iyon para sigurado siyang walang makakita at makakabasa. Tama, kapag busy na ang kanyang mga kaibigan ay iyon ang gagawin niya sa likod-bahay o kahit saan mang sulok ng bahay na walang makakakita sa kanya. “Did you receive anything or not?” muling pagtatanong ni Hermes dahil naguluhan siya bigla sa naging reaksyon ni Jefree. Bigla siyang kinabahan at makikita mo sa labi niya ang pamumutla. Imposible naman na siya ang may kagagawan noon, hindi ba? Masyado naman siyang halata ngayon kung sakali. Kung siya nga ay nasira na ang plano niya dahil huli na siya sa ganitong sitwasyon. “Did you see it?” umawang ang labi ni Hermes sa gulat pero naguluhan pa rin siya sagot ng kaibigan. “Did you see that identification card of mine?” at sa pangalawa niyang tanong ay nakumpirma na niya na hindi si Jefree ang nagpadala kung hindi napadalhan din siya. “I didn’t but I also received one,” pag-amin niya. Natigilan si Jefree sa pandampot ng cup tiyaka niya inangat ang kanyang tingin kay Hermes. “It was written, Licensed for Failure. My name and picture was there and…” natigilan siya dahil hindi niya alam kung dapat pa rin niyang sabihin kung ano ang nakasulat sa ibaba. “I see, you don’t need to tell me what was written down your name,” agap ni Jefree. “I don’t want to tell you what was written on mine.” “Why did we receive it?” hindi maiwasan na itanong ni Hermes iyon dahil isa pa iyon sa iniisip niya simula pa kanina. Hindi na siya mapakali kanina pa kung sino ang may gawa non at gusto niyang suntukin ng malakas para bantayan niya ang bawat galaw ng kanyang buhay. Wala na siyang pakialam kung babae man iyon o lalaki pa. “I don’t know,” kibit-balikat na sagot ni Jefree dahil kait anong gawin niya, kahit baliktarin pa niya ang kanyang utak ay hindi siya makaisip ng dahilan kung bakit kailangan niyang matanggap iyon at lalong dumagdag ang mga katanungan niya sa kanyang isipan lalo na ngayong nalaman niya na nakatanggap din ang isa sa kanyang mga kaibigan. “Do you think that someone we’re talking about is one of our classmates?” hindi mapigilan na sabihin ni Hermes ang kanyang pagdududa sa kanyang mga kaklase. Habang ang isang nakikinig sa kanila ay hindi maiwasan na kumurba ng ngiti ang kanyang mga labi dahil nagsisimula na ngang gumana ang kanilang plano. Na pagdudahan nila ang isa't-isa at hindi na rin siya makapaghintay na dahil sa paghihinala ay pagbibintangan na nila maging ang mga inosenteng tao at magkakaroon na sa wakas ng lamat ang kanilang section. Alam niyang hindi lang lamat ang maibibigay non sa kanila kung hindi pagkakawatak-watak. Masyado silang bilib sa kanilang mga sarili na hindi sila mababali nang nino man. Na kahit sabihn pa nilang isa silang pamilya ay pwede pa rin silang magkasiraan dahil iisa lang ang pagkakapareho nila: gahaman sa tagumpay na wala na silang pakialam kahit na kaluluwa na nila ang ialay. Kung ang mismong magkakadugo nga ay nagsisiraan dahil lang sa kakarampot na lupa, paano pa kaya sila na binuo lang na pamilya dahil sila na ang magkakasama simula noong tumuntong sila ng high school hanggang sa makapagtapos na sila. “Pinagdududahan mo ba ang mga kaibigan natin?” pagtatanong ni Jefree kaya bahagyang natahimik si Hermes, alam niya na mali ang kanyang iniisip pero masisi ba siya kung sila lang naman ang kasama niya simula kaninang umaga? “Hindi sa pinagdududahan,” sinubukan niyang depensahan ang kanyang sarili kahit na hindi na niya alam kung ano ang tawag sa kanyang iniisip. Napayuko siya dahil hindi niya maiwasan na mahiya dahil sa biglaan niyang pinagdudahan ang kanyang mga kaibigan. Alam niyang pamilya na nga ang turingan nila pero nakuha pa niyang pag-isipan sila ng masama. “Ayos lang.” Tinapik ni Jefree ang balikat ni Hermes kaya muli niyang inangat ang kanyang tingin. Sinalubong siya ng ngiti ni Jefree. “Ako rin naman, naisip ko na iyan kanina pa.” “What do you mean?” Bigla ulit naguluhan si Hermes dahil sa biglaang sinabi ni Jefree. “Syempre, kanino manggagaling iyon?” pagtatanong niya na may ngiti sa kanyang labi. “Bakit niya nalaman ang sikreto na tinatago ko? Pinapasundan ba niya ako?” tanong ni Jefree na halos pareho lang sila ng katanungan ni Hermes. “Ang mga kaibigan ko lang naman ang kasama ko simula pa kanina,” wika ni Jefree na para bang binibigkas lang niya kung ano ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Hermes. “Sino sa kanila? Anong pakay nila? Anong gusto nila? Mag-isa lang ba siya? O dalawa sila?” “Pero pinilig ko lahat ng iyon dahil alam ko na walang saysay ang pinag-iisip ko,” he chuckled. “Bakit ko naman pag-iiisipan ng masama ang mga kaibigan ko? Ang mga tinuring ko ng pamilya?” “Pero hindi malabo na isa sa kanila ang may kagagawan,” depensa kaagad ni Hermes dahil nagmumukha siyang masama kapag kausap niya si Jefree. “Isa sa kanila pero hindi lahat sila,” ngumiti si Jefree dahil baka don ay maintindihan na ni Hermes kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig. “Obserbahan mo sila pero huwag na huwag mong babaguhin kung ano man ang trato mo sa kanila hangga’t hindi ka pa nakaka sigurado kung sino at kung wala ka pang sapat na ebidensya ay iwasan mong mambintang.” “Alam ko ang pakiramdam mo pero hindi naman dapat silang lahat iwasan dahil baka apat o dalawa o baka isa nga lang ang may gawa tapos idadamay mo ang lahat ng mga kaibigan natim? Na wala namang masamang ginagawa?” tanong ni Jefree sa kanyang kaibigan nang sa gayon ay matauhan siya sa kanyang kinikilos. Napansin na niya kasi kanina si Hermes at hindi niya maiwasan na malungkot na baka biglang humiwalay ang loob sa kanila ng isa nilang kaibigan. “Napansin ko ang pakikitungo mo sa kanila. Kahit na tumatawa ka ay bakas pa rin ang pag-aakusa sa iyong mga mata. Hindi dapat ganon, dapat ay magtiwala tayo sa mga kaibigan natin. Tiyaka ano namang mapapala nila kung ipagkakalat nila ang sikreto natin? O ang plano na ito? Kung pare-pareho na tayong successful.” Sa ilang segundo ay tila nadagdagan ang mga katanungan sa utak ni Hermes, dahil tama nga naman si Jefree. Kung pare-pareho na silang matagumpay sa buhay, bakit nila gagawin ang lahat ng ito? Bakit nila kailangan siraan o magplano? “Kaya hangga’t hindi tayo sigurado ay pagkatiwalaan pa rin natin ang mga kaibigan natin. Sa nakalipas na mga taon ay nakita mo naman kung gaano mo sila masasandalan sa oras na kailangan mo sila, hindi ba?” pagtatanong ni Jefree kaya napa tahimik ulit si Hermes tiyaka marahan na tumango. “Naalala mo noong napagalitan ka ng captain niyo? Noong officer ka pa lang? Nagchat ka sa GC na kailangan mo ng kasama dahil wala ka sa mood? Dahil sa ginawa sa iyo ng captain na iyon? Naalala mo na hindi man sila nagdalawang isip na puntahan ka? Naalala mo na kaagad silang nandoon para damayan ka? Para pasayahin ka kahit papaano? Para samahan ka?” sunod-sunod na pagtatanong ni Jefree. “Kaya hindi mo sila dapat pagdudahan,” sambit ni Jefree tiyaka niya muling tinapik ang balikat ni Hermes, umaasa siya na sa pagkakataong iyon ay matauhan ang kanyang kaibigan. HA! Ang galing nga naman mag guilt-trip ng isang ito. Hindi maiwasan na mapangisi ng taong nakikinig sa kanila dahil mukhang hindi sila mahihirapan na isagawa ang plano. Paano sila mahihirapan kung hindi na pagdududahan ng isa sa kanila ang lahat? Walang makakapansin kung sino man ang kasama niya. Matatalino pero mga tanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD